91 South Koreans na gumaling sa COVID-19, muling nagpositibo

91 South Koreans na gumaling sa COVID-19, muling nagpositibo

- 91 South Koreans na gumaling sa coronavirus disease ang muling nagpositibo rito

- Dahil dito, tinitignan na ang posibilidad na nag-reactivate ang virus

- Maaari pa umanong madagdagan ang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 matapos gumaling mula rito ayon sa isang eskperto

- Pero hindi rin isinasantabi ng ilang eksperto ang iba pang dahilan nito katulad ng "false test results"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Matapos gumaling mula sa coronavirus, 91 na South Koreans ang muling nagpositibo sa nakamamatay na virus, ayon sa ilang opisyal ng bansa.

Dahil dito, tinitignan na ang posibilidad na posibleng nag-reactivate ang virus sa halip na na-re-infect ang mga pasyente, ayon kay Jeong Eun-kyeong, director ng Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC), batay sa ulat ng GMA News at Manila Bulletin.

Dagdag pa ng isang eksperto, maaari pang madagdagan ang bilang ng mga pasyenteng gumaling at muling nagpositibo sa COVID-19.

"The number will only increase, 91 is just the beginning now," ayon kay Kim Woo-joo, professor sa Korea University Guro Hospital.

Ayon naman sa health officials ng South Korea, isang epidemiological investigations na ang isinasagawa upang matukoy ang dahilan nito.

Hindi naman isinasantabi ng ilang eksperto sa South Korea ang posibilidad ng "false test results".

Maaari rin umanong may mga naiwan pang 'remnants' o mga labi ng virus sa katawan ng pasyente.

"There are different interpretations and many variables," sabi ni Jung Ki-suck, professor ng pulmonary medicine sa Hallym University Sacred Heart Hospital.

Nakapagtala na ng 10,480 na positibong kaso ng virus sa South Korea at mayroon nang 211 na nasawi habang 7,243 naman ang gumaling na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel