Mayor Isko Moreno, sumugod sa Caloocan upang tugisin ang pasimuno diumano ng tupada sa Manila cemetery

Mayor Isko Moreno, sumugod sa Caloocan upang tugisin ang pasimuno diumano ng tupada sa Manila cemetery

- Pinuntahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang barangay sa Caloocan upang hanapin ang mga barangay officials na sangkot umano sa tupada sa Manila North Cemetery

- Matatandaang nagviral sa social media ang pictures na kuha sa nasabing tupada na naganap umano nitong Biyernes Santo

- Sa gitna ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon, makikita sa nasabing mga pictures ang pagtitipon ng mga tao

- Ipinanawagan ni Mayor Isko na sumuko na at magpaliwanag ang mga suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Facebook Page, ibinahagi ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang pagpunta sa Barangay 129 ng Caloocan City ngayong Sabado ng hapon, April 11 upang personal na pasukuin ang ilang barangay officials na diumano ay sangkot sa tupada na naganap sa Manila North Cemetery kahapon, April 10.

Pinanawagan ng alkalde ang pagsuko nina barangay captain Brix John Rolly Reyes at mga barangay kagawad na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes, at John Cris Domingo.

Matatandaang kumalat sa social media ang mga litrato na kuha sa tupada o pagtataya sa sabong kung saan makikita ang malinaw na paglabag sa pinapatupad na enhanced community quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binigyan niya ng 48-hours ang barangay officials para magpaliwanag tungkol sa alegasyon sa kanila.

Panoorin ang buong video ng Facebook live ni Mayor Isko dito:

Matatandaang isinailalim ang Metro Manila at iba pang mga kalapit lungsod sa community quarantine dahil sa tumataas na dami ng kaso ng COVID-19.

Unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel