10-anyos na graduating student, binigay ang naipong pera bilang tulong sa frontliners

10-anyos na graduating student, binigay ang naipong pera bilang tulong sa frontliners

- Binigay ng isang graduating student ang kanyang naipong pera sa mayor ng kanilang lugar

- Ito ay kanyang donasyon sa pagkaing bibilhin para sa mga frontliners

- Inipon daw ito ng bata pandagdag sana sa pambili ng cellphone niya bilang isa sana siyang graduating student ngayong taon

- At dahil hindi tuloy ang kanyang graduation, minabuti niyang i-donate na lamang ang perang naipon

- Proud naman ang alkalde ng kanilang lugar sa ginawa na ito ng batang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang naisipang gawin ng isang 10 taong gulang na batang babae mula sa Iloilo City na nagbigay ng pera bilang tulong sa mga frontliners ng kanilang lugar.

Binahagi ng kanilang alkalde na si Mayor Jerry Treñas ang text sa kanila ng batang babaeng si "Sky."

Kwento ng bata, mayroon daw siyang naipong pera na nagkakahalaga ng ₱532.

Dahil graduating student sana siya ngayong taon, idadagdag sana raw niya ang naipong pera upang makabili siya ng bagong cellphone.

Ngunit dahil hindi tuloy ang seremonya ng Pagtatapos sa paaralan dahil sa krisis na dulot ng COVID-19, minabuti niyang ibigay ang naipon bilang donasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman naisipan niyang padalhan ng mensahe si Mayor Treñas para maibigay ang donasyon.

Magagamit daw ang pera sa pagkain na ibibigay sa mga frontliners sa kanilang lugar.

Labis na natuwa ang alkalde kay Sky dahil mas nangibabaw sa bata ang pagtulong kaysa pagkakaroon ng materyal na bagay.

Makakaasa raw si Sky na magagamit ang kanyang donasyon sa pangangalaga sa mga frontliners.

"Pagpalain ka ng Diyos at ang iyong pamilya! Katulad ng magulang mo, ako rin, ipinagmamalaki kita!" Pagtatapos ng post ni Mayor Treñas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel