DOH, naglabas ng pahayag ukol sa viral Instagram post ni Arnold Clavio

DOH, naglabas ng pahayag ukol sa viral Instagram post ni Arnold Clavio

- Naglabas na ng pahayag ang Department of Health kaugnay sa kontrobersyal ng Instagram post ni Arnold Clavio

- Isang ospital di umano ang nagparating kay Clavio ng sinasabing "totoong" kalagayan ng mga COVID-19 patients sa kanilang ospital

- Lumalabas ng halos nasa sampu raw ang namamatay sa mga ospital sa Metro Manila taliwas sa araw-araw na inilalabas ng DOH

- Pinabulaanan naman ng DOH ang sinabi rin ng naturang ospital na sila ang nagpapatigil sa pagbibilang ng mga namamatay na COVID-19 sa isang araw

- Paiimbestigahan ng kagawaran ang naturang pahayag na ito mula sa ospital na nagparating kay Clavio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang Instagram post ng GMA news broadcast journalist na si Arnold Clavio tungkol sa di umano'y totoong kalagayan ng mga COVID-19 patients sa Metro Manila.

Sa post, sinabing may ospital sa kalakhang Maynila ang nagparating kay Clavio na napupuno di umano ang hallway ng ospital ng mga bangkay ng namtay dahil sa COVID-19.

Lumalabas din na nasa 10 ang namamatay dahil sa naturang virus sa isang araw sa ospital lamang na iyon na taliwas sa datos na nilalabas ng DOH.

Kinukulang na rin di umano ang di pinangalanang ospital ng mga body bags na pagsisidlan umano ng mga bangkay.

Pinahihinto na rin daw sila sa pagbibilang ng mga pumanaw sa kanilang ospital pa lamang.

Matapang na hinamon ni Clavio na tumugon agad ag DOH sa nakakaalarmang impormasyong ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakarating agad ito sa atensyon ni Secretary Francisco Duque III ng DOH at agad na naglabas ng pahayag ukol dito.

Una niyang pinabulaanan ang di umano'y pagpapatigil ng pagbibilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19.

Lahat umano ng ospital maging mga health centers ay hinihingan pa rin nila ng report lalo na ng mga pasyenteng tinamaan ng naturang virus.

Nakausap na rin niya umano si Arnold Clavio at agad na papaimbestigahan ang kontrobersiyang ito upang malinaw ang mga alegasyon.

Narito ang kabuuang ng pahayag ng DOH:

Samantala, kasalukuyan nang 4,428 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa base sa huling naitala ng DOH ngayong Abril 11.

17 naman ang nadagdag sa mga naka-recover habang 26 naman ang naitalang karagdagan sa mga pumanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon.

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel