Bike advocate, nakaisip ng kapaki-pakinabang na paraan para matulungan ang mga frontliners

Bike advocate, nakaisip ng kapaki-pakinabang na paraan para matulungan ang mga frontliners

- Kahanga-hanga ang ginagawa ni Pio Fortuno Jr. para sa ilan nating frontliners

- Bilang isang bike advocate, nagpapahiram sila ng mga bisikleta sa mga frontliners na hirap sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho partikular na ang mga hopital/ medical staff

- Nag-isip siya ng paraan upang makatulong sa kasalukuyang krisis ng bansa dahil sa COVID-19 kaya naman naisipan niyang magpahiram ng maaring masakyan ng mga frontliners

- Hinihikayat niya ang iba na may kapasidad at kakayahan na magbigay na tumulong na rin sa paraang alam nila at sa kung anuman ang meron sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinilala ng KAMI at Human Meter ang isa sa matatawag na unsung heroes ng laban natin sa COVID-19 na si Pio Fortuno Jr.

Si Pio ay isang bike advocate noon pang 90's at talagang bisikleta ang ginagamit niya bilang transportasyon.

Nang makita niya ang hirap ng mga frontliners lalo na ng mga nagtatrabaho sa ospital sa paglalakad papasok at pag-uwi, doon niya naisip ang tulong nakanyang gagawin para sa mga ito.

Sinimulan niyang magpahiram ng mga ekstrang bike sa mg nangangailangang frontliners upang hindi na mahirapan ang mag ito sa pagpasok at pag-uwi mula sa kanilang trabaho.

Hindi naman nararapat na paglalakarin pa ang mga ito papunta sa ospital at haharapin ang matinding sakripisyo nila sa loob ng walong oras. Pagkatapos pa nito ay maglalakad pang muli sila sa kanilang pag-uwi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinihikayat din niyang tumulong ng iba na may kapasidad lalo na sa panahon ngayong humaharap sa matinding krisis dala ng COVID-19 ang bansa.

Kung mayroon man daw ang iba na spare bike, maari nila rin itong ipahiram sa mga nangangailangang frontliners.

Payo rin niya, manatili pa rin ang lahat sa kani-kanilang mga bahay dahil hindi biro ang sakripisyo ng mga frontliners ng bansa. Ito raw ang paraan ng iba upang makatulong sa pagsugpo ng COVID-19 sa Pilipinas.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel