Ilang tambay sa riles, pinagbantaan at ininsulto ang isang frontliner

Ilang tambay sa riles, pinagbantaan at ininsulto ang isang frontliner

- Pinagbantaan at minura ng ilang kalalakihan ang isang frontliner na nagpaalala sa kanila na pumasok sa loob ng bahay

- Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang ginawa ng mga lalaki sa frontliner

- Kasalukuyang sumasailalim sa enhanced community quarantine ang maraming lugar sa buong Luzon

- Kabilang sa ipinag-uutos na manatili sa loob ng bahay ang mga mamamayan upang maiwasan ang mahawaan ng coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral sa social media ang video ng mga kalalakihan sa riles na nagbanta at nagalit sa isang frontliner na sumita sa kanila dahil nasa labas sila ng bahay.

Ibinahagi ng Facebook page na Ace's Photography & Film ang dalawang magkasunod na video kung saan makikitang nagagalit ang tatlong lalaki dahil umano sa pagpapaalala na pumasok sa loob ng bahay.

Nagalit sila at sinugod pa ng isa ang lalaking isa umanong frontliner. Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine, pinapayuhan ang lahat na manatili na lamang sa loob ng bahay.

May curfew din na ipinapatupad at ang sinumang mahuling lumabag ay hinuhuli.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang sumailalim sa community quarantine ang Metro Manila noong March 12, 2020 matapos mapatunayan na nakapasok na sa bansa at nagkakaroon na ng local transmission

Lalong pinaigting ang pagpapatupad ng quarantine sa pag-anunsiyo ng pangulo ng pagsasailalim sa Metro Manila sa enhanced community quarantine kung saan pinatigil na rin ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel