3 nurse na napilitang magsuot ng 'trash bags', nagkaroon ng COVID-19

3 nurse na napilitang magsuot ng 'trash bags', nagkaroon ng COVID-19

- Tatlong nurse sa Northwick Park Hospital sa UK ang nagpositibo sa coronavirus disease dahil sa kakulangan ng personal protective equipment (PPE)

- Sa halip kasi na PPE, napilitang magsuot o gumamit ng mga 'trash bags' ang mga ito bilang proteksyon sa virus

- Ayon pa sa isang report, sa ward ng ospital kung nasaan ang mga pasyenteng may COVID-19, 50% na ng kanilang staff ang nahawaan ng virus

- Sabi naman ng isang grupo ng mga doktor, dahil sa kakulangan ng mga medical supplies ay nalalagay sa peligro ang buhay ng mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong nurse sa Northwick Park Hospital sa UK ang nagpositibo sa coronavirus disease dahil sa kakulangan ng personal protective equipment (PPE).

Sa pamamagitan ng ilang larawan kung saan makikita ang mga nurse na nakausot ng 'trash bags', nanawagan ang mga ito para mabigyan ng mga kailangang medical supplies tulad ng face masks, gowns at gloves.

Sa ulat ng The Telegraph, sinabi ng mga nurse na wala na silang pagpipilian dahil wala na umanong PPE na magagamit at napilitang gumawa ng sariling paraan.

Base pa sa nasabing ulat, 50% ng mga staff sa isang ward ay nahawaan na ng virus.

Batay naman sa ulat ng Metro, nauna nang nag-declare ng kritikal na sitwasyon ang nasabing ospital dahil sa kakulangan ng medical equipment matapos ang sunod-sunod na pagdating ng mga pasyenteng may coronavirus.

Sabi naman ng The Doctors Association UK, nalalagay sa kompromiso ang buhay ng mga nurses at mga doktor dahil lumalalang krisis sa kakulangan ng medical supplies tulad ng PPE.

Maging ang pangangalaga ng mga ito sa kanilang pasyente ay posible ring maapektuhan dahil sa kakulangang ito, ayon sa asosasyon.

"We are working around the clock to give the NHS and the wider social care sector the equipment and support they need to tackle this outbreak," sabi naman ng spokesperson ng Department of Health and Social Care sa bansa.

Hindi na bago ang ganitong balita, sa New York, ilang staff din ng isang ospital ang napilitang gumamit ng mga "basurahan" bilang proteksyon, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa Pilipinas, malaking bilang na rin ng mga doktor at nurses ang lumabas na nag-positibo sa coronavirus ayon sa Department of Health (DOH).

Isa rin ang kakulangan ng PPE sa mga dahilan ng nakalulungkot na pangyayaring ito sa ating mga frontliners.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel