Bilang ng mga naka-recover ngayong araw sa COVID-19, mataas sa inaasahan

Bilang ng mga naka-recover ngayong araw sa COVID-19, mataas sa inaasahan

- Muli na namang nadagdagan ang mga naka-recover sa COVID-19

- Tulad kahapon, mataas sa inaasahan ang bilang ng naitalang gumaling sa naturang virus na nagbigay pag-asa naman sa marami

- Samantala, umabot naman sa 119 ang karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw

- At may 18 ding naitala na pumanaw dahil sa nakamamatay na virus na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nagbigay pag-asa ang 16 na mga naitalang naka-recover sa COVID-19 ngayong Biyernes, Abril 10.

Base sa ulat ng Department of Health, may kabuuang bilang na 140 ang recoveries ng COVID-19 a bansa.

Tulad kahapon na 12 ang naitalang naka-recover, nabuhayan ng loob ang parami dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga gumagaling mula sa virus.

Subalit, hindi pa rin maalis ng iba na mag-aalala dahil higit na marami pa rin ang nadagdag na kumpirmadong kaso na umabot sa 119 ngayon lamang araw.

May kabuuang bilang na ang mga nagpositibo na 4,195 sa buong bansa.

Nakalulungkot ding malaman na higit pa ring marami ang mga nasawi sa virus kung saan 18 naman ang nadagdag ngayon. May kabuuang bilang naman ito na 221.

Samantala, naglabas din umano ang Department of Health ng paalala sa publiko na hindi nila inirerekomenda ang misting o spraying ng disinfectants.

Mas mainam pa rin ang direktang pagdidisinfect ng lugar tulad ng pagpupunas o pagbababad naman ng mga kagamitan kung maaari at kinakailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel