COVID-19 survivors, nag-donate ng dugo upang matulungan ang iba pang may virus

COVID-19 survivors, nag-donate ng dugo upang matulungan ang iba pang may virus

- Nagsimula nang mag-donate ng dugo ang ilang COVID-19 survivors

- Ito ay dahil may antibodies daw ang kanilang mga dugo na kayang labanan ang naturang virus

- Siniguro munang malulusog at nasa maayos na pangangatawan ang mga magdo-donate ng dugo

- Isa ang aktres na si Iza Calzado na nagsabing nagpapalusog siya upang makapag-donate din siya ng dugo bilang isa rin siyang COVID-19 survivor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong COVID-19 survivors na ang nakapag-donate na kanilang dugo upang matulungan pa ang mga kababayan nating tinamaan ng naturang virus.

Ayon sa CNN Philippines, kinumpirma ni PGH spokesperson Jonas Del Rosario ang pagpunta ng tatlong matatapang at malulusog na survivor sa Philippine General Hospital.

Sinasabing gagamitin ang kanilang dugo sa gagawing plasma therapy para makatulong sa paggaling ng iba pang COVID-19 patients.

Tunay na kahanga-hanga raw ang ginawa ng tatlo lalo pa at isinagawa ito noong Araw ng Kagitingan, Abril 9 base sa ulat ng GMA News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala ang tatlo na sina Ian Frias, Gale Arranz at Kain Soriano na pinasalamatan at hinangaan ng pamunuuan ng PGH.

Ang PGH ay isa sa mga referral hospital ng gobyerno sa laban kontra COVID-19.

Nitong nakaraang linggo, kinumpirma nila na ang dugo ng mga survivor ay mayaman sa antibodies na kinakailangan para matagumpay na maisagawa ang plasma therapy.

Maging ang aktres na si Iza Calzado ay nagpahayag ng pagdo-donate niya ng dugo sa dahil isa rin siyang COVID-19 survivor. Sa ngayon, siya ay patuloy pa ring nagpapalakas at sinisiguro muna niyang malusog siya bago isagawa ang donasyon.

Samantala, ayon sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 4,195 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Abril 10.

Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit na mayroon namang pagtaas sa bilang ng mga naka-recover na muling nagbigay pag-asa sa ating mga kababayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel