Video ni Pangulong Duterte tungkol sa pagsusuot niya ng mask, kinagiliwan ng marami

Video ni Pangulong Duterte tungkol sa pagsusuot niya ng mask, kinagiliwan ng marami

- Viral ang bahagi ng nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa pagsusuot niya ng mask

- Nahiya umano ang Presidente dahil wala raw siyang suot na mask sa oras na iyon sa kabila ng pagpapatupad niya na magsuot nito lalo na kung nasa labas ng mga tahanan

- Humingi raw siya sa mga sundalo at nahirapan daw siyang magsalita dahil sa mask

- Dito nagsimula nang magbiro ang Pangulo na ikinatuwa naman ng marami sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng mga netizens ang bahagi ng nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa pagsusot niya ng mask.

Kuha ito mula sa kanyang Presidential message patungkol pa rin sa COVID-19 nitong Martes, Abril 7 at binahagi ito ng netizen na si Jepoy Paguinto II.

Ayon sa Pangulo, nahihiya raw siya na wala siyang suot na mask gayung siya ang isa sa mga nagpatupad na nararapat na may suot nito kung tayo'y nasa labas at wala sa ating mga tahanan.

Kaya naman nanghingi siya sa mga sundalo na agad naman niyang sinuot.

Nahihirapan daw siyang magsalita dahil masikip ang mask. Dito na siya nagsimulang magbiro na para lamang daw ito sa mga matatangos at hindi para sa kanya na "walang ilong."

Napansin din niya ang maliit na lagusan ng hangin na ang sabi pa ng Pangulo ay baka maglabas-masok lamang daw ang COVID-19 doon.

Natuwa ang mga nakapanood na netizens at tila isa raw itong paraan ni Pangulong Duterte upang kahit na paano ay maibsan ang bigat na dinadala dahil sa kasalukuyang krisis na kinahaharap ng bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, hinangaan siya ng marami, narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Si Tatay Digong nagpapatawa pa talaga e no? God bless you po, malalampasan din natin ito"
"At least nag-set siya ng example, kahit nahihirapan siya magsalita e sinuot pa rin niya"
"Even beyond this pandemic of covid19,our president gives us smile on our face with his funny jokes...see how his positive thoughts lift him,as he stand for his country.God bless Mr.pres.and Pilipinas. keep safe everyone"
"Kahit problemado, napatawa mo po kami dun. Sa kabila ng matinding suliraning pinapasan niyo dahil sa pandemya, napapasaya niyo pa po kami Pangulong Duterte."

Sa naunang ulat ng KAMI, isa sa mga hakbang na ginawa ng Pangulo upang masolusyunan ang tumitinding krisis dala ng COVID-19 ay ang pagbibigay ng isang buwang sahod niya upang maging karagdagang pondo ng bansa sa pagharap sa pandemyang ito.

Maging ang ilang miyembro ng gabinete at ibibigay ang 75% ng kanilang sahod mula Abril hanggang Diyembre ng kasalukuyang taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel