Sen. Manny Pacquiao, namahagi ng napakaraming relief goods sa Sarangani

Sen. Manny Pacquiao, namahagi ng napakaraming relief goods sa Sarangani

- Namahagi rin ng relief goods si Senator Manny Pacquiao sa mga kababayan niya sa Sarangani

- Isang sakong bigas kada isang pamilya at mga groceries ang kanyang pinamigay

- Sinamahan din daw ito ng Bibliya para sa mga pamilya ng Alabel, Alabel

- Laking pasalamat naman ng mga nakatanggap ng biyayang ito at naglakip sila ng maiksing liham bilang pasasalamat sa senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakalimot ang "Boxing Senator" ng Pilipinas na si Manny Pacquiao sa kanyang mga kababayan sa Sarangani Province at nagparating din siya ng tulong doon.

Binahagi ng kanyang Facebook page na Manny Pacquiao Public Information System ang mga larawan ng naganap na pamamahagi sa Alabel, Province of Sarangani.

Kada isang pamilya na mapalad na nabiyayaan ng tulong ng senador, nakatanggap sila ng isang sakong bigas at mga groceries.

Bukod pa sa mga ito, nakatanggap din sila ng Bibliya.

Labis na nagpapasalamat ang mga taga-Sarangani sa ipinaabot na tulong ng ni Senator Manny sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At upang maipadama ang kanilang taos-pusong pasasalamat, naglakip sila ng maiksing liham sa kanilang mga upuan para sa senador.

Maaalalang sa naunang ulat ng KAMI, tumulong din si Senator Manny na makapagbigay sila ng bilyonaryong si Jack Ma ng mga testing kits na nagkakahalagang 400 million pesos.

Nai-turnover niya ito San Lazaro Hospital noong Marso 27.

Dahil dito, umani siya ng papuri at pasasalamat mula sa mamamayang Pilipino dahil pagiging likas na matulungin niya lalo na sa oras ng kagipitan.

Si Manny Pacquiao ay maituturing na isa sa mga greatest boxers of all time. Bukod sa kanyang husay sa boxing, mayroon din siyang ginintuang puso lalo na sa mga mahihirap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel