Viral! Miyembro ng LGBT na lumabag sa curfew at liquor ban, nagmatigas

Viral! Miyembro ng LGBT na lumabag sa curfew at liquor ban, nagmatigas

- Nakipagmatigasan ang isang miyembro ng LGBTQ sa mga frontliners na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa curfew hours

- Base sa mga video na kumalat sa social media, bukod sa curfew, inamin din ng beki na nakainom siya at ang kasamang nobyo

- Wala rin suot na face mask ang dalawa na ilang beses pinaalalahanan ng mga awtoridad

- Maraming netizens ang hindi natuwa sa ginawa nito na tumanggi pa noong una na sumama sa mga nanitang frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang isang miyembro ng LGBTQ matapos itong maaktuhang nakikipagmatigasan sa mga awtoridad.

Base sa Facebook live nito at ng isa sa mga volunteers ng barangay kung saan ito nasita at ang kasama nitong nobyo, hinuhuli ang mga ito dahil sa paglabag sa curfew hours bunsod ng aksyon ng gobyerno upang mapigil ang pagkalat ng coronavirus disease.

Nakilala itong si Martin David Oprecio, 23-anyos.

Pero bukod sa paglabag sa curfew, inamin din nito na nakainom siya. Wala rin itong suot na face mask na iminungkahi nang gawing mandatory upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa video na ibinahagi ni Carbonel Maycobudots, isa sa mga volunteer, ilang beses itong pinaalalahanan ng mga awtoridad na magsuot ng face mask.

Ipinaalala rin dito na ang paggamit ng quarantine pass ay upang bumili ng pagkain o gamot.

Samantala, giit naman ni Oprecio, kaya sila umuwi nang ganoong oras (11:00 ng gabi ayon sa videos) ay dahil nagpalipas sila ng kalasingan.

Nang dadalhin na ang mga ito sa barangay ay tumanggi ito at nagbanggit pa ng pangalan ng isang pulis.

Hanggang sa isa nang pulis ang namagitan sa mga ito at mahinahong kinausap si Oprecio.

Maraming netizens ang hindi natuwa sa ginawa nito na tumanggi pa noong una na sumama sa mga nanitang frontliners.

Sa isa pang post ni Maycobudots, napag-alamang humingi na ng paumanhin dito si Oprecio.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel