Lockdown: Kapitan sa Sorsogon, nangingisda para ipamigay sa mamamayan

Lockdown: Kapitan sa Sorsogon, nangingisda para ipamigay sa mamamayan

-Kahanga-hanga ang isang barangay chairman sa Sorsogon na nangingisda upang may maipamahagi sa mga mamamayan

-Ang kanyang effort ay upang tugunan ang krisis na kinakaharap ng lahat dahil sa enhanced community quarantine dulot ng coronavirus

-Sa tulong ng kanyang mga kasamahan, tuwing umaga ay nangingisda si Kap at nagpapasalamat sa biyayang bigay ng karagatan

-Hiling nito na walang magkaroon ng virus sa kanilang probinsiya na wala pang naiuulat na positibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang isang barangay chairman sa Sorsogon na nangingisda upang may maipamahagi sa mga mamamayan.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, nakilala ito na si Kapitan Jojo Geraldino ng Bulan sa nasabing probinsiya.

Ang kanyang effort ay upang tugunan ang krisis na kinakaharap ng lahat dahil sa enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease.

Sa tulong ng kanyang mga kasamahan, tuwing umaga ay nangingisda si Kap at nagpapasalamat sa biyayang bigay ng karagatan.

Ang nakakatuwa pa, maging ang ibang barangay ay nabibigyan din ng mga huling isda ng grupo ni Geraldino.

"13 days and 13 nights na po kaming nagpalaot at patuloy na namimigay ng isda para makadugtong sa pagkain, simula nang ma-lockdown ang bayan ng Bulan," ayon kay Kap.

Bukod sa mga isda, nagpamahagi rin si Kapitan Geraldino ng mga pamingwit.

"Sa pagsubok na 'to, kaya natin 'to basta tulong-tulong tayo," sabi pa nito.

Hiling nito na walang magkaroon ng virus sa kanilang probinsiya na wala pang naiuulat na positibo sa COVID-19.

Samantala, umabot na sa 4,076 ang kabuuang positibo sa coronavirus sa Pilipinas. 203 na ang nasawi habang 124 naman ang naka-recover na sa sakit ayon sa huling update ng Department of Health.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel