Ina, naiyak na lamang sa sitwasyon ng anak dahil walang tumatanggap na ospital

Ina, naiyak na lamang sa sitwasyon ng anak dahil walang tumatanggap na ospital

- Isang ina ang naiyak na lamang sa sitwasyon nila ng kanyang anak habang naghihintay ng ospital na tatanggap sa kanila

- Ayon sa ina, maghapon silang naghanap ng ospital na pwedeng tumanggap sa kanyang anak na nakasuot ng facemask

- Dagdag pa niya, tatlong araw nang hindi nakakain ang kanyang anak kaya nakiusap siya na kung pwede ay lagyan na siya ng suwero

- Kasalukuyang puno ang mga pagamutan hindi lamang sa bansa kundi sa iba't-ibang panig ng mundo dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang nagawa ang isang ina kundi ang maiyak sa sitwasyon ng kanyang anak na kanyang isinugod sa ospital para sana mabigyan ng medikal na atensiyon.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook Page na Laban Pilipinas, emosyonal na ibinahagi ng isang ina na maghapon siya naghanap ng ospital kung saan pwede dalhin ang kanyang anak matapos tanggihan ng ilang pagamutan.

Maririnig sa naturang video na umuubo ang kanyang anak at nakasuot ng mask.

Tatlong araw na diumano hindi nakakakain ang kanyang anak kaya gusto niyang malagyan ng ng suwero.

Marami ang nahabag sa kalagayan ng mag-ina. Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

Can someone help them pls? The baby is sick. where is your heart there? The hospital should accept them omg! What kind of hospital is that pls help them before the baby getting worse.
I suggest that all hospitals in their respective localities should adopt measures to a situation like this. So other nonrelated covid19 patients can be accommodated. It’s a heartbreaking scene seeing people begging to save the lives of their loved ones. Let us all be compassionate.
Nay anu po sakit ng anak niyo? Graveh sa totoo lang madami na kong nakikita dito sa social media na ayaw asikasohin mga pasyente, pls alamin nyo nmn anu sakit nang bata Diyos ko. Sana may iassigned na lang na hospital si Pres Duterte para sa mga covid patient pra mas maiwasan nang kumalat pa.

Kasalukuyang umabot na sa 4,000 ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Kagawaran ng Kalusugan.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, patuloy na tumataas ang bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel