23 araw na sanggol na pumanaw sa Batangas, positibo sa COVID-19

23 araw na sanggol na pumanaw sa Batangas, positibo sa COVID-19

- Nag-positibo rin sa COVID-19 ang 23 araw na sanggol mula sa Batangas

- Lumabas ang resulta ng isinagawang test sa sanggol, apat na araw mula nang siya ay pumanaw

- Kinumpirma ito ng alkalde ng kanilang lugar at hiniling nito na ipagdasal ang sanggol

- Ika-15 kaso na ng COVID-19 ang sanggol na ito sa Lipa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 nga ang ikinamatay ng 23 araw na sanggol mula sa Lipa City Batangas.

Kinumpirma ito ng kanilang alkalde na si Mayor Eric Africa sa kanyang Facebook page.

Pumanaw ang sanggol noong Abril 5 ngunit lumabas ang resulta ng test, apat na araw ang lumipas.

Hiniling din ng alkalde na ipagdasal ang walang kamuwang-muwang na sanggol na ito.

Dahil nagpositibo ang sanggol kahit pa siya ay sumakabilang buhay na, siya ay ika-15 na kaso ng COVID-19 sa Lipa.

Dahil dito, siya ang maituturing na pinakabatang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinundan ito ng isang buwang sanggol mula sa Bataan na kinumpirma naman ni Bataan Governor Albert Garcia noong Abril 5.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot malaman na dumarami na rin ang kaso ng mga sanggol na tinatamaan ng COVID-19.

Matatandaang isa ring sanggol sa Oriental Mindoro ang naitalang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa kanilang lalawigan. Una na itong naiulat ng KAMI.

May travel history naman ang sanggol na ito mula Alabang, Muntinlupa City bago naiuwi sa Oriental Mindoro.

Samantala, umabot na sa 4,076 ang kasalukuyang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa base sa huling tala ng Department of Health ngayong Abril 9.

Nagkaroon naman ng pag-asa ang lahat nang malamang 28 ang naitalang naka-recover ngayong araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel