Paglibing ng mga health workers sa Libingan ng mga Bayani, nais isulong sa Kongreso

Paglibing ng mga health workers sa Libingan ng mga Bayani, nais isulong sa Kongreso

- Nais isulong ng isang mambabatas ang paglibing ng mga pumanaw na health workers sa Libingan ng mga Bayani

- Paliwanag ng mambabatas, ang mga ito ay maituturing na bayani dahil sa kanilang sakripisyo ngayong may COVID-19

- Dapat daw ay bigyan din ang mga pumanaw ng pagpupugay sa tuwing Araw ng mga Bayani

- Kaya naman, isusulong ng mambabatas ang panukalang ito kapag nagtipon na muli ang Kongreso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang mambabatas ang nais na ilibing ang mga health professionals na pumanaw dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa Libingan ng mga Bayani.

Nalaman ng KAMI na nais ni AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin na bigyang pugay ang mga health workers na nagbuwis ng kanilang para magserbisyo sa kapwa.

“Every Filipino frontliner who dies in this COVID-19 war deserves to be laid to rest at the Libingan ng Mga Bayani because of their supreme sacrifice for love of country, loyalty to the people, and devotion to their profession,” aniya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sabi ni Garbin ay dapat maparamdam sa pamilya, katrabaho, at mga kaibigan ng mga pumanaw ang pasasalamat ng mga Pilipino para sa kanilang sakripisyo at serbisyo.

"Their families, colleagues, and friends deserve to profoundly feel the eternal gratitude of the Filipino people for their supreme sacrifice, staying at the front lines, knowing it would cost them their lives. Future generations of Filipinos will honor them every time we commemorate National Heroes Day," sabi nito.

Kaya naman, kapag muling nagtipon ang mga mambabatas ay isusulong niya ito sa Kongreso. Dagdag niya pa, hindi naman kailangan agad-agad gawin ang libing.

“The ceremonies need not be done immediately. According to the COVID-19 protocols, the remains are cremated first,” sabi niya.

“In our proposal, the ultimate resting place would be the Libingan ng Mga Bayani. After the immediate COVID-19 threat has passed, there will be a proper time to properly honor the fallen frontliners versus COVID-19,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na 152 na doktor at 63 na nurse ang nagpositibo na sa COVID-19. Samantala, 12 health workers naman na ang pumanaw dahil sa sakit na ito.

Sa ngayon ay nasa 4,076 na ang mga naitalang kaso ng coronavirus disease sa bansa. Ang 203 ay pumanaw na at ang 124 naman dito ay gumaling na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling gave some tips on how to wisely spend your time at home during the enhanced community quarantine! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel