Army officer na may sintomas ng COVID-19, pumanaw na

Army officer na may sintomas ng COVID-19, pumanaw na

- Sumakabilang buhay na ng isang miyembro ng Philippine Army na kinakitaan ng sintomas ng COVID-19

- Acute bronchitis ang lumalabas na dahilan ng kanyang pagkamatay

- Dead-on-arrival na ito matapos na uminda ito ng hirap sa paghinga

- Bagaman at wala pang resulta ang COVID test sa kanya, nagsasagawa na rin ng contact tracing sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP ngayong Huwebes, Abril 9 ang pagpanaw ang isang army officer na hinihinalang tinamaan ng COVID-19.

Nakilala ito na si Second Lieutenant Vince Magbanua, miyembro ng Philippine Military Academy “Alab Tala” Class of 2018.

Ayon sa CNN Philippines, acute bronchitis ang findings sa unang check-up sa kanya at pinauwi na lamang ito. Binigyan na rin siya ng antibiotics pa ra rito.

Naka-self quarantine na ito sa Bulacan nang makaramdam ito ng hirap sa paghinga.

Agad siyang dinala sa Norzagaray Municipal Hospital ngunit dead-on-arrival na raw ito at inatake na ito sa puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa ulat ng Inquirer, sinabi ni AFP spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo na hinihintay pa lamang umano nila ang resulta ng COVID-19 test na isinagawa kay Magbanua kaya di pa kumpirmado kung tinamaan nga ba ito ng naturang virus.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing upang matukoy ang lahat ng nakasalamuha ni Magbanua lalo na sa kanilang barracks sa Bulacan.

Sa ulat ng Rappler, naglabas naman ng pahayag sa pakikisimpatya ang Armed Forces of the Philippines sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Magbanua.

"It is with great sadness that we mourn the death of one of our young and promising officers, Army 2nd Lieutenant Vince Magbanua at 3:40 pm yesterday, April 8. He was declared dead on arrival at Norzagaray Municipal Hospital where he was rushed on complaint of severe difficulty in breathing," ayon kay military spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel