May pag-asa! Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa bansa, patuloy na tumataas

May pag-asa! Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa bansa, patuloy na tumataas

- Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nakaka-recover sa COVID-19 sa bansa

- Ngayong Abril 9, 28 ang naitalang mga gumaling sa naturang virus

- Samantala, nakalulungkot pa rin na 206 naman ang mga bagong kaso ng COVID-19 na bumuo sa kasalukuyang bilang na 4,076

- Sa kasamaang palad, mayroon ding naitalang 21 deaths sa kasalukuyan kaya mayroon nang kabuuang bilang na 203 ang mga pumanaw sa COVID-19 sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pag-asa ang kasalukuyang bilang ng nadagdag na mga naka-recover sa COVID-19.

Ngayong Abril 9, 28 ang naitalang gumaling sa kinatatakutang virus at ito na ang pinakamataas na bilang ng mga naka-recover sa loob lamang ng isang araw.

206 naman ang nadagdag sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 na siyang bumuo sa kasalukuyang bilang na 4,076.

Kabilang na rito si Department of Health Secretary Leonor Magtolis Briones na siya mismo ang nagkumpirma sa publiko na maging siya ay tinamaan din ng virus.

Sa unang ulat ng KAMI, sinabi ng DepEd secretary na patuloy pa rin ang kanyang pagsisilbi sa bayan kahit pa siya ay kasalukuyan nang naka-self quarantine.

Asymptomatic naman daw siya kaya naman kaya pa niyang dumalo sa mga virtual meetings patungkol sa COVID-19.

Samantala, 21 naman ang naitalang bilang ng mga pumanaw sa COVID-19 kung kaya 203 na ang kabuuang bilang nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga dumaragdag na kaso ng COVID-19, Ilang lalawigan na ang nagdedeklara ng total lockdown upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

Ayon sa ulat ng CNN, isa na ang probinsya ng Quezon sa mga naka-total lockdown epektibo ngayong araw upang hindi na raw madagdagan pa ang 15 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel