DepEd Secretary Leonor Briones, patuloy ang trabaho kahit nagpositibo sa COVID-19

DepEd Secretary Leonor Briones, patuloy ang trabaho kahit nagpositibo sa COVID-19

- Kinumpirma mismo ni Department of Education Secretary Leonor Magtolis Briones na nagpositibo siya sa COVID-19

- Sinabi niyang pangalawang test na niya ito at sa una ay negatibo pa siya

- Dahil siya ay asymptomatic at normal pa ang temperatura, patuloy pa rin daw ang kanyang pagtatrabaho

- Kasalukuyan na siyang naka-isolate at pinaalalahan na niya ang lahat ng kanyang nakasalamuha na magself-isolate na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mismong si Department of Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang nagkumpirma na maging siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa kanyang opisyal na pahayag sa DepEd Philippines Facebook page, sinabi niyang pangalawang test na ang ginawa sa kanya noong Abril 2 kung saan lumabas na positibo siya sa naturang virus.

Abril 8 nang lumabas ang kanyang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Marso 13 nang una siyang magpa-test kasabay ng iba pang miyembro ng gabinete. Marso 16 nang lumabas ang resulta na negatibo siya.

Ngunit dahil sa may nag-positibo sa mga nakasalamuha niya sa executive committee, nagpakuha muli siya ng test kung saan siya ay nagpositbo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit dahil siya naman ay asymptomatic at normal ang temperatura ng kanyang katawan, patuloy pa rin siyang magtatrabaho kahit siya ngayon at kasalukuyang naka-self isolate na.

"I am going on isolation. However, like my fellow Cabinet member, I will continue working — virtually attend IATF meetings, preside over the DepEd EXECOM and MANCOM, and make all decisions necessary to keep DepEd in full operation," pahayag ng DepEd Secretary.

Pinaalalahanan din niya ang iba pa niyang nakasalamuha na mag-self quarantine na dahil sa posibilidad na nahawa na rin ito sa naturang virus.

Maraming netizens partikular na ang mga guro na ang nagdarasal para sa paggaling ng ina ng Kagawaran ng Edukasyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel