Mayor Rex Gatchalian, inilinaw na siya ay mayor ng ‘Valenzuela’ hindi ng bansang ‘Venezuela’

Mayor Rex Gatchalian, inilinaw na siya ay mayor ng ‘Valenzuela’ hindi ng bansang ‘Venezuela’

- Tampok sa social media ngayon si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at ang bansang Venezuela

- Sa isang social media post kasi, ipinakita na dagsaan pa rin ang mga tao sa Venezuela dahil sa prusisyon kahit na may nationwide quarantine

- Subalit, ang ilang netizens naman ay hindi natuwa at napagkamalang Valenzuela ang Venezuela

- Upang linawin ang isyu, nagkomento na si Mayor Rex Gatchalian sa usaping ito

- Paliwanag ni Gatchalian, siya ay mayor ng lungsod ng Valenzuela at hindi ng bansang Venezuela

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon sa social media si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at ang bansang Venezuela.

Nalaman ng KAMI na ilang mga netizens ang nagkamali ng basa sa bansa ng Venezuela at lungsod ng Valenzuela.

Sa isang post ng ABS-CBN News ay kita sa mga litrato na kahit may nationwide quarantine sa Venezuela dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ay patuloy pa rin ang pagdasa ng mga tao dahil sa prusisyon ng Nazarene of St. Paul.

Ilang netizens ang hindi natuwa at sinisi si Mayor Gatchalian dahil sa litratong ito. Narito ang ilang komento nila:

“Grabe naman yan, Mayor Rex Gatchalian bakit pinayagan niyo magprusisyon ang Nazareno sa Valenzuela? Eh malinaw na quarantine dapat?”
“Mayor Rex anlaki ng tiwala namin sayo akala namin magaling kang mayor pero bakit naman ganyan???? Hindi bat quarantine ngayon?? Anlaki ng tiwala namin sayo pero ikaw lang pala magpapahamak samin.”
“katabi pa nmn ng malabon yan . hayss ang kukulit ng mga pinoy. awang awa na ako sa pangulo natin.. :( tapos tayong mga pinoy mga makukulit”

Kaya naman para linawin ang isyu, naglabas ng pahayag si Mayor Gatchalian sa kanyang Facebook account.

“So ang daming nagagalit sa akin dahil dito. Hindi ko alam na ako na din pala ang pinuno ng bansa na Venezuela,” sabi niya.

“Mga sirs and ma'ams, Mayor po ako ng dakilang lungsod ng Valenzuela. Hindi po ng bansa na Venezuela,” dagdag pa nito.

Maging sa Twitter ay trending ang "Venezuela." Kasalukuyang mayroon itong mahigit 389,000 na tweets.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rex Gatchalian ay ang kasalukuyan at ika-26 na mayor ng lungsod ng Valenzuela. Kapatid niya si Senator Sherwin Gatchalian at Congressman Wes Gatchalian.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling gave some tips on how to wisely spend your time at home during the enhanced community quarantine! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel