Isang Pinoy na nurse sa London, pumanaw habang naka-quarantine sa apartment

Isang Pinoy na nurse sa London, pumanaw habang naka-quarantine sa apartment

- Isang Pinoy na nurse ang pumanaw matapos magkaroon ng sintomas ng coronavirus disease

- Ayon sa nurse bago ito pumanaw, may pasyente siya na may sintomas din ng COVID-19

- Nag-self-quarantine na lang ang Pinoy na nurse nang siya ay magkaroon na rin ng lagnat, ubo at sumakit na rin ang katawan

- Ilang araw matapos mawalan ng contact sa mga kaibigan at kamag-anak ay ipinaalam na nila ito sa awtoridad

- Nang pwersahang buksan ang kanyang tinitirahan ay doon na lang naman na pumanaw na pala ang Pinoy nurse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinoy na nurse sa London ang binawian ng buhay matapos magkaroon ng sintomas ng coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na ang 51 anyos na nurse na si Dondee Zuelto ay nahawaan ng pasyenteng may sintomas din ng COVID-19 sa Barts Health National Health Service (NHS) Trust.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, noong Marso 24 ay nakapag-post pa si Zuelto na may pasyente siyang may ubo, lagnat, sipon, at iba pang sintomas ng coronavirus.

Hindi nagtagal ay nagkaroon na rin siya ng ganitong sintomas kaya nagpasya siya na mag-quarantine na lang sa bahay upang hindi makahawa ng iba.

Sa loob ng isang linggo na pakikipag-usap sa pamilya at mga kaibigan ay bigla na lang naputol ito noong Abril 5. Kaya naman, nag-alala na ang mga kaibigan at kamag-anak nito sa Scotland.

Iniulat ng mga ito sa pulisya ang sitwasyon at kinailangan pang ideklara na nawawala si Zuelto upang mabuksan lang ang kanyang tinitirahan nitong Miyerkoles.

Matapos pasukin ang kanyang flat na tinitirahan ay doon nalamang pumanaw na nga ang Pinoy na nurse na may mild symptoms ng COVID-19 at kinumpirma na ito ng City of London Police.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zuelto ay tubong Negros Oriental. Siya ang breadwinner ng kanyang pamilya at tinutulungan niya ang kanyang 3 na pamangkin sa pag-aaral.

Samantala, nasa 60,733 naman ang naitalang kaso ng COVID-19 sa United Kingdom at ang 7,097 nga rito ay nasawi na. Maging ang UK Prime Minister na si Boris Johnson ay tinamaan na rin ng COVID-19.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling gave some tips on how to wisely spend your time at home during the enhanced community quarantine! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel