COVID-19: Babaeng PUM, bigla na lang daw hindi nagparamdam sa pamilya

COVID-19: Babaeng PUM, bigla na lang daw hindi nagparamdam sa pamilya

- Sa tulong ng media, ipinanawagan ng isang lalaki mula sa Antipolo City ang kanyang kinakasama na bigla na lang umanong nawala

- Ito ay matapos sabihin nito na nakararanas na ito ng sintomas ng coronavirus disease

- Maging ang mga kasamahan daw nito ay may mga sakit na rin

- Nito lang Miyerkules, sinabi ng lalaki na nagkausap na sila ng kanyang live-in partner at uuwi na raw ito kapag siguradong maayos na ang kalusugan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa tulong ng media, ipinanawagan ng isang lalaki mula sa Antipolo City ang kanyang kinakasama na bigla na lang umanong nawala at hindi nagparamdam.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, Marso 25 pa nang huli pang makausap ni Edwin Petalver ang kinakasama na si Rosalie Odon, 33-anyos at isang call center agent sa Ortigas Avenue.

Ang ikinababahala ni Petalver, sinabi ni Odon na nakakaranas na ito ng mga sintomas ng coronavirus disease.

"Sa huling pag-uusap namin, sabi niya pauwi na raw siya. Yung kasamahan niya na pina-check sa ospital, negative daw yung naging resulta," ani Petalver.

Maging ang mga kaanak ni Odon ay hindi na rin daw ito matawagan dahil nakapatay na ang cellphone nito.

"Sabi niya, may sintomas daw po siya. Nilalagnat po daw siya. Hindi raw sila pinapauwi dahil naka-quarantine sila. ‘Di ko na siya ma-contact. Nag-aalala na kami bakit ganun nangyari," dagdag pa ni Petalver.

Ang masaklap pa, hindi nila alam kung saan ang opisina ng babae dahil 'kolorum' umano ang pinapasukang call center ni Odon.

Dahil dito, nanawagan ang lalaki sa tulong ng DZMM upang makausap ang live-in partner nito dahil labis na nag-aalala na sila at ang pamilya nito.

Sa kabutihang-palad, nakausap na ni Petalver si Odon at sinabing maayos na ang lagay.

Pansamantala umano itong nanunuluyan sa sleeping area ng kanilang opisina.

Uuwi raw ito kapag nasigurong maayos na ang kalusugan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel