Central Visayas, niyanig ng 4 na lindol sa loob lang ng 30 minutos

Central Visayas, niyanig ng 4 na lindol sa loob lang ng 30 minutos

- Apat na lindol ang naitala sa Central Visayas noong Abril 7, Martes ng gabi

- Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang una bandang 8:30 p.m. sa hilagang bahagi ng Maria, Siquijor na may lakas na magnitude 4.4

- Ilang minuto lang ang lumipas nang makapagtala naman ng magnitude 2.8 lindol sa Alcoy, Cebu

- Sinundan ito ng pagyanig sa Lila Bohol at ang ikaapat ay sa Siquijor muli

- Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftreshocks dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Apat na lindol ang naitala sa Central Visayas noong Abril 7, Martes ng gabi ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ang mga pagyanig sa loob lamang ng 30 minutos.

Naitala ang una bandang 8:30 p.m. sa hilagang bahagi ng Maria, Siquijor na may lakas na magnitude 4.4.

Nasundan ito ng magnitude 2.8 na lindol na naitala ang epicenter sa Alcoy, Cebu matapos lamang ang 12 minuto.

Tatlong minuto matapos nito, niyanig naman ng magnitude 1.4 na lindol ang kanlurang bahagi ng Lila Bohol.

Bandang 8:48 p.m. naman nang muling yanigin ang Siquijor na may lakas na magnitude 2.3.

Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftreshocks dahil dito.

Ang ilang netizens sinabing nakaramdam sila ng pagyanig pero mayroon ding nagsabi na hindi nila naramdaman ang mga lindol.

"No, we ddnt feel it here n talisay city.thank u Lord!"

"We felt here in panglao, bohol. It is a strong shake but split of seconds but i didnt notice for i am walking."

"Yes we felt it here at City Time square Mandaue...Let's stay calm."
"No we did not feel it here in Guadalupe, Cebu City. Keep safe everyone. God bless!"
"No we didn’t noticed it here in Carcar Thanks be to God and you really keep us from harm."
"It was light here but We sure felt it in cebu city."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone