Pamilya ng PUI na pumanaw, pinandidirihan di umano ng mga kapitbahay

Pamilya ng PUI na pumanaw, pinandidirihan di umano ng mga kapitbahay

- Dumaranas ng diskriminasyon ang pamilya ng isang PUI na sumakabilang buhay na

- Hindi na-test ang PUI kahit litaw na litaw na ang mga sintomas ng COVID-19 bago pa ito pumanaw

- Dumagdag pa sa hinagpis ng kanyang naiwang pamilya ang di umano'y pandidiri ng mga kapitbahay nila sa kanila

- Ultimo paglabas nila upang makabili ng pagkain ay hinaharang umano ng mga ito

- Nais sanang magpa-test ng pamilya upang masiguro kung sila nga ba'y nahawa sa kanilang padre-de-pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napakahirap ng dinaranas ngayon ng pamilya ni Edgar Salayon, ang patient under investigation na pumanaw na.

Bukod kasi sa pagkamatay ng kanilang padre-de-pamilya, nakararanas pa umano ng diskriminasyon ang naiwan niyang mahal sa buhay na kasalukuyang nasa Barangay Progreso sa San Juan City.

Sa panayam ng GMA News sa misis ni Edgar na si Anne Salayon, emosyonal niyang kinuwento ang hirap ng sitwasyon nila sa kanila mismong komunidad.

Mahirap, namatayan ka na, ganito pa. Hindi mo nga alam kung kailangan ko maililibing ang asawa ko e. Masakit pa, walang makikiramay sayo. Wala akong puwedeng makausap,” ayon kay Anne.

Pinagbabawalan umano silang lumabas ng kanilang mga kapitbahay kahit pa ang dahilan ay bibili lamang sila ng makakain.

Ang basura nila ay di rin nakatambak pa rin sa takot na maaring mahawa ang kukuha nito.

Minsan na ring itinaboy ng kanilang kapitbahay ang Grab Food delivery na magdadala sana ng pagkain ng mag-iina.

Mabuti na lamang at kahit ano'y may napaki-usapan silang bumili ng pagkain para sa kanila.

Dumagdag pa sa sakit ng pagkawala ng mister ang ginagawa umano sa kanila ng kanilang mga kapitbahay.

Dahil dito, nais sanang magpa-test ng pamilya ni Anne upang malaman kung sila nga ba ay positibo o hindi sa COVID-19.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Anne:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, pumanaw ang kanyang mister nang hindi man lang na-test kaya hindi nila nakumpirma kung nag-positibo ito sa COVID-19.

Sa unang punta nila sa ospital, hiniling na ni Anne na ma-test ang mister ngunit ayon sa ospital, iisa na lamang ang testing kit at para pa ito sa isa ring PUI.

Tulad ng naunang ulat ng KAMI, pumanaw din ang army officer na si Vincent Magbanua nang hindi nakukumpirma kung COVID-19 nga ba ang ikinamatay nito.

Ang kaibahan lamang nila ni Edgar, resulta na lamang ang hinihintay ng army officer.

Samantala, base sa huling tala ng Department of Health ngayong Abril 9, umabot na sa 4,076 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nagbigay pag-asa naman ang bilang ng mga naka-recover ngayong araw na umabot na sa 28.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel