PUI na pinauwi dahil di malala ang lagay, pumanaw na

PUI na pinauwi dahil di malala ang lagay, pumanaw na

- Pumanaw na ang isang patient under investigation mula sa San Juan

- Ayon sa misis nito, pinauwi ang kanyang mister dahil di naman daw umano malala ang lagay nito

- Binigyan lamang ito ng antibiotics kahit pa nanghihingi na ito ng oxygen tank dahil nakararanas na raw ito ng hirap sa paghinga

- Hindi na raw ito na-test subalit diretso pa rin daw itong na-cremate

- Labis ang hinanakit ng pamilya ng PUI na ito na nakararanas pa umano ng diskriminasyon mula sa kanilang mga kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang patient under investigation Edgar Salayon na pinauwi ng ospital dahil hindi raw malala ang pinakikita nitong sintomas ng COVID-19.

Ayon sa ulat ni Maki Pulido ng GMA news, Marso 25 nang dalhin sa ospital si Edgar dahil ilang araw na itong may lagnat, plema at paminsan-minsang pagdumi.

Malinaw na mga sintomas nga ito ng COVID-19. Pagdating sa ospital, nanghingi na raw si Edgar ng oxygen tank ngunit sinabihan umano siya ng mga doktor na hindi pa naman daw ganoon kalala ang kanyang lagay.

Kalaunan, pinauwi na lamang siya ay binigyan ng antibiotics.

Sa kasamaang palad, hindi na bumuti ang pakiramdam ni Edgar. Dalawang araw mula nang una siyang madala sa ospital ibinalik muli ito dahil hindi na nawala ang kanyang lagnat at wala na rin siyang panlasa.

Dead on arrival na raw ito nang makarating sa ospital. Sinubukan pa raw itong i-revive ngunit hindi na muli ito nagising.

Diretso cremate pa rin ang bangkay ni Edgar kahit hindi naman nakumpirma kung positibo nga ba siya sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala raw kasing ginawang test sa kanyang asawa ayon sa misis ni Edgar na si Anne.

Nung oras kasi na sila'y nasa ospital, iisa na lamang ang testing kit at nakalaan na iyon sa ibang pasyente.

Labis ang hinanakit ni Anne sa nangyari sa kanyang mister. Nakadagdag pa sa sama ng saloobin nila ay ang mga kapitbahay nilang tila raw ay pinandidirihan na sila.

“Mahirap, namatayan ka na, ganito pa. Hindi mo nga alam kung kailangan ko maililibing ang asawa ko e. Masakit pa, walang makikiramay sayo. Wala akong puwedeng makausap,” emosyonal na pahayag ni Anne.

Handa siyang magpakuha ng test para sa ikapapanatag ng kanyang loob at upang maipakita na rin daw sa kanilang mga kapitbahay lalo na kung negatibo naman sila sa naturang virus.

Sa huling tala ng Department of Health ngayong Abril 8, nasa 3,870 na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng nadaragdag na kaso araw-araw, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extension ng Luzon lockdown hanggang Abril 30.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel