May-ari ng flower shop, namigay ng libreng bulaklak para pasayahin ang frontliners

May-ari ng flower shop, namigay ng libreng bulaklak para pasayahin ang frontliners

- Nagpamalas ng kabaitan ang isang may-ari ng flower shop upang pasalamatan ang mga frontliners ngayong may krisis sa bansa

- Ang Pinay ay namigay ng mga libreng bulaklak para pangitiin ang mga health workers at iba pang frontliners

- Bukod sa mga health workers, binigyan niya rin ng bulaklak ang mga security guard, drivers, receptionists, at bantay ng checkpoint

- Maging ang mga netizens ay naantig sa kabutihan ng Pinay para pasayahin ang mga mabubuting frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang may-ari ng flower shop dahil sa kabutihang ipinamalas nito para sa mga frontliners ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na noong Biyernes ay namigay ng bulaklak ang Pinay sa Bacolod City.

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, nais ng Pinay na pangitiin, pasayahin, at pasalamatan ang mga frontliners dahil sa kanilang sakripisyo at serbisyo ngayong may banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pinas.

Binigyan niya ng mga bulaklak ang mga health workers, security guard, drivers, receptionists, at maging ang mga nagbabantay sa mga checkpoints.

Samantala, naantig din naman ang mga netizens sa kabutihang ipinakita ng flower shop owner. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Godbless po satin lahat ingat and keepsafe”
“Thank you to a kind heart”
“Sa mga healthworker at frontliner mas maraming nagmamahal sa inyo kesa nag didiscrimunate wag sana kayung panghinaan ng loob”
“touching”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 3,870 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Samantala, ang 182 naman dito ay pumanaw na at ang 96 ay gumaling na.

Nagpatupad na rin ng enhanced community quarantine sa buong Luzon at in-extend na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa April 30, 2020.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel