Miss England, balik sa pagiging doktor upang makatulong sa COVID-19 patients

Miss England, balik sa pagiging doktor upang makatulong sa COVID-19 patients

- Isinantabi muna ni Miss England 2019 ang pagiging beauty queen at bumalik muna siya sa kanyang propesyon bilang isang doktor

- Nang malaman niya ang kalagayan lalo na ng ospital kung saan siya'y nagsisilbi bilang junior doctor, hindi siya nagdalawang isip na bumalik

- Mas kailangan umano siya ng England sa panahon ngayon na isa sila sa may pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19

- Pagkatapos ng kanyang 14 na araw na quarantine, magsisimula na ang yugto ng kanyang buhay bilang isa sa mga magigiting na frontliners sa laban ng UK kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang desisyon ni Miss England 2019 na si Bhasha Mukherjee kung saan, isinantabi muna niya ang kanyang pagiging isang beauty queen upang makabalik sa kanyang propesyon na pagiging isang doktor.

Sa ulat ng GMA news, Disyembre 2019 nang makoronahan siya bilang Miss England at nagpupunta na siya sa iba't ibang Asian countries para sa kanyang mga humanitarian works.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nang mabalitaan niya ang hindi magandang sitwasyon ng Pilgrim Hospital sa Boston kung saan siya ay isang junior doctor, hindi siya nagdalawang isip na isantabi ang kanyang korona.

Base sa ulat ng CNN, nakabalik na umano si Bhasha sa United Kingdom noong nakaraang Miyerkules, Abril 1, ngunit kailangan pa nitong sumailalim sa 14 na araw na quarantine.

Pagkatapos nito, sasabak naman siya sa pagiging isang frontliner ng kanilang bansa kontra COVID-19.

Sa ngayon, 60,733 ang huling naitala ng worldometer sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa. Maging ang Prime Minister nila na si Boris Johnson ay kasalukuyang nasa intensive care unit ng St. Thomas' hospital dahil din sa kinatatakutang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel