Nakaka-proud! Pinoy health workers sa UK, pinuri sa isang news show doon

Nakaka-proud! Pinoy health workers sa UK, pinuri sa isang news show doon

- Pinasalamatan ng mga news anchor ng "Good Morning Britain" ang mga health workers sa United Kingdom

- Namangha sila sa dami ng mga Pinoy na na naroon na siyang mga frontliners sa iba't-ibang ospital sa UK

- Tinawag nila itong mga "unsung heroes" sa laban ng mundo sa COVID-19

- Kasalukuyan nang ikawalo sa pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 ang UK na may kasalukuyang bilang na 55,242

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakataba ng puso ang ginawa ng news anchor ng Good Morning Britain kung saan nabanggit nila ang dedikasyon ng mga Pilipinong health workers sa United Kingdom.

Binahagi ng netizen na si Jimmy Wong ang bahagi kung saan binasa ni Piers Morgan, ang ilan sa mga pangalan ng Pinoy na frontliners sa iba't-ibang ospital sa UK.

Maging sa intensive care unit ng St. Thomas' Hospital kung saan kasalukuyang nakalagak ang Prime Minister ng UK na si Boris Johnson ay mayroon ding health worker na Pinoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Namangha sila sa dedikasyon ng ating mga kababayan na buwis buhay na nagsasalba ng mga mamayan ng UK.

Tinawag pa ni Piers na mga "unsung heroes" ang mga Pinoy na ito at labis silang nagpapasalamat sa ginagawa ng mga ito sa kanilang bansa sa panahon ng pandemya.

Kasalukuyang ikawalo sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang UK na may bilang na 55,242.

Narito ang bahagi ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel