152 doctors at 63 nurses sa Pilipinas, nag-positibo sa COVID-19

152 doctors at 63 nurses sa Pilipinas, nag-positibo sa COVID-19

- Umabot na sa 152 na mga doktor at 63 na nurses ang lumabas ng positibo sa COVID-19 sa buong bansa

- Kinumpirma ito ng Department of Health sa kanilang pahayag ngayong Miyerkules, Abril 8

- 21 na ang naitalang pumanaw na mga doktor dahil sa nakamamatay na virus

- Bukod sa nadadalas di umanong pagsisinungaling ng ilang mga pasyente, kakulangan sa mga PPE ang nakikitang dahilan kung bakit nahahawa ang mga health workers sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mahigit 200 na ang mga health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19.

Base sa ulat ng CNN, 152 sa mga ito ay doktor habang 63 nurses naman ang lumabas ng positibo sa naturang virus.

Kinumpirma ito ng Department of Health o DOH sa kanilang nilabas na pahayag ngayong Miyerkules, Abril 8.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ng impormasyon ang naturang ahensya tungkol sa kalagayan ng mga frontliners sa ospital sa buong Pilipinas.

Ayon pa sa GMA News, 21 na mga doktor na ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Isa sa nakikita nilang dahilan ay ang nadadalas na pagsisinungaling ng ilang pasyente patungkol sa kanilang karamdaman lalo na ang kanilang travel history.

Nakaaalarma! 152 doctors at 63 nurses sa Pilipinas, nag-positibo sa COVID-19

source: Philstar.com
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, dumadaing din ang mga health workers sa kakulangan sa personal protective equipment o PPE na kinakailangan nila upang maging ligtas sa pagharap sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Ayon sa ilang mga doktor sa pribadong ospital, marahil marami na raw ang nagbigay ng donasyon na PPE subalit sa mga pampublikong ospital daw madalas itong dalhin.

Sinusubukan man daw nilang makabili ng sariling PPE subalit wala na rin silang mabilhan.

Dahil dito, sinabi rin ng DOH na nararapat lamang na unahin ang mga doktor at nurses sa COVID-19 testing dahil sila ang mga high-risk at madalas na nakakasalamuha ng mga pasyente may coronavirus na kumitil na sa buhay ng maraming tao sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel