2 COVID-19 patients, gumaling matapos mabigyan ng dugo mula sa mga naka-recover na

2 COVID-19 patients, gumaling matapos mabigyan ng dugo mula sa mga naka-recover na

- Dalawang pasyente na senior citizen ang gumaling sa COVID-19 sa South Korea matapos sumailalim sa blood plasma therapy

- Ang dalawang kritikal na pasyente ay sinalinan ng dugo na galing sa mga COVID-19 survivors

- Ayon sa eksperto, ang dugo ng COVID-19 survivors ay may antibodies na kayang labanan ang coronavirus sa katawan

- Maging sa Pilipinas ay pinag-aaralan din ang blood plasma therapy kung posibleng maging gamot sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang senior citizen na pasyente sa South Korea ang gumaling na sa coronavirus disease (COVID-19) matapos sumailalim sa blood plasma therapy.

Nalaman ng KAMI na ang 2 pasyente na gumaling ay sinalinan ng dugo mula sa mga pasyenteng naka-recover na rin mula sa COVID-19.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang dugo ng mga naunang naka-recover na pasyente ay may plasma o blood fluid na nag-develop ng antibodies upang tuluyang labanan ang coronavirus.

Matapos sumailalim sa blood plasma therapy at paggamit ng steroids ay matagumpay na gumaling ang dalawang pasyenteng nasa kritikal na kondisyon na. Subalit, wala pang naitatala na side effects ang ospital ukol sa experiment na ito.

“Both patients showed improvements in inflammation and the number of lymphocytes, among others, after receiving plasma injection and treatment with steroids,” sabi ni Choi Jun-young na chief ng Division of Infectious Disease sa Severance Hospital.

“Plasma therapy has its side effects and there has yet to be a large-scale clinical trial, so it lacks scientific evidence. But it can be an alternative, used jointly with steroid treatment, for critical virus patients who aren’t seeing results from antiviral treatments,” dagdag niya pa.

Sa ulat ng ABS-CBN News, 71 anyos na lalaki ang isang pasyenteng gumaling at ang isa naman ay 67 anyos na babae.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na pinag-aaralan kung epektibo ba talaga na gamot sa COVID-19 ang blood plasma therapy maging sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na ang aktres na si Iza Calzado ay magdo-donate rin ng kanyang dugo matapos gumaling sa COVID-19.

Kasalukuyang nasa 3,870 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH). Samantala, ang 182 naman dito ay pumanaw na at nasa 96 ang gumaling na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel