Ayos! Quezon City, gagamit na ng swab booth upang mas mapadali ang COVID-19 testing

Ayos! Quezon City, gagamit na ng swab booth upang mas mapadali ang COVID-19 testing

- Ipinakita ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang COVID-19 swab booth nito na inspired mula sa South Korea

- Ang swab booth ay gagamitin upang mas mapadali ang pagkuha ng specimen ng mga pasyente para sa COVID-19 test

- Mababawasan din nito ang exposure ng health workers mula sa mga pasyenteng maaaring positibo sa COVID-19

- Samantala, isang pares ng swab booth naman ang ilalagay sa tatlong ospital sa Quezon City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na ito ay gagamit ng swab booth upang mas mapabilis at mapadali na ang coronavirus disease (COVID-19) testing.

Nalaman ng KAMI na ang swab booth ay gagamitin upang makuha ang specimen ng pasyente na kailangan sa COVIDI-19 test.

Ayon sa Facebook post ng Quezon City Government, makakatulong ang booth na ito upang mabawasan ang exposure ng health workers. Dagdag pa rito, makakatipid na rin ang mga ospital sa paggamit ng personal protective equipment o PPE.

Isang pares ng COVID-19 swab booth ang ilalagay sa Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, at Rosario Maclang Bautista General Hospital.

Ang COVID-19 swab booth na ito ay inspired mula sa swab booth na ginamit sa South Korea.

Samantala, mula sa datos ng Department of Health (DOH) noong 11 p.m.ng April 7, nasa 625 na ang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City. Nasa 34 naman ang pumanaw dahil sa sakit na ito at 26 na rin ang gumaling.

Nasa 85 naman ang mga patients under investigation (PUIs) at 510 naman ang patients under monitoring (PUMs).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa DOH, nasa 3,764 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Nasa 177 naman ang nasawi dahil dito at nasa 84 na ang gumaling.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel