COVID-19: Pagpanaw ng 1 OFW sa Italy, ipinagtataka ng kaanak nito

COVID-19: Pagpanaw ng 1 OFW sa Italy, ipinagtataka ng kaanak nito

- Palaisipan pa rin daw sa mga kaanak ng nasawing Pinay sa Italy kung ano ang nangyari rito

- Nabigla kasi ang pamilya nang mapag-alamang pumanaw na ito dahil umano sa coronavirus

- Ayon sa kapatid nito, simula pa noong Marso 10 ay nawalan na sila ng komunikasyon sa 29-anyos na dalaga na nagta-trabaho bilang caregiver

- Nais naman ng nanay nito na malaman ang dahilan kung bakit hindi man lang nakatawag ang anak sa kanila na ayon sa kanila ay wala namang sakit

- Nakikipag-ugnayan na ang ina nito sa Philippine Consulate General sa Milan para sa pagpapalibing dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Labis na ikinagulat ng pamilya ng isang Pinay sa Italy ang balitang nasawi ito dahil umano sa coronavirus.

Base sa ulat ng ABS-CBN News (Author, Mye Mulingtapang), sinabi ng kapatid nito na simula pa noong Marso 10 nang mawalan sila ng komunikasyon dito na nagta-trabaho sa Italy bilang isang caregiver.

Ngunit nito lamang Abril 3 nang matanggap nila ang masamang balita.

Wala rin daw sakit ang Pinay at ipinagtataka rin nila kung bakit wala man lang nag-abiso sa kanila mula sa ospital.

Samantala, sa isang panayam sa ina nito, sinabi nitong balak na raw sanang umalis sa trabaho ang kanyang anak.

Nagpositibo raw kasi sa coronavirus ang amo nito.

"Yung anak ng amo niya nag-positive pero hindi pumunta sa ospital nag-quarantine na lang sa bahay. Tinatawagan yung anak ko hindi naman sumasagot na ipaalam sana na namatay na yung alaga niya," ayon sa ginang.

Nais naman pa nito na malaman ang dahilan kung bakit hindi man lang nakatawag ang anak sa kanila.

Ipinagtataka rin ng ginang kung bakit hindi man lang nasabihan tungkol sa kalagayan ng kanyang anak.

"Saka tinanong ko bakit walang abiso sa akin 'di man lang kayo nag-inform. 'Di ba bago pumasok sa ospital kukunin ang parenti (relative) mo. Wala ni isa," sabi pa nito.

"Kasi siya lang mag-isa grabe na daw. Paanong naging grabe wala man lang, 'di ba kung napronto soccorso (emergency) ka kuhanan ka naman ng detalye. Wala, kaya tawag ako ng tawag wala man lang. Nagriring lang yung cellphone, yung Whatsapp kung anu-anong ginawa ko na," dagdag pa ng nagluluksang ginang.

Nakikipag-ugnayan na rin daw ito sa Philippine Consulate General sa Milan para sa pagpapalibing sa anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel