Isang buwang gulang na sanggol sa Bataan, nagpositibo sa COVID-19

Isang buwang gulang na sanggol sa Bataan, nagpositibo sa COVID-19

- Nagpositibo sa COVID-19 ang isang buwang gulang na sanggol mula Bataan

- Kinumpirma ito ni Bataan Governor Albert Garcia noong Abril 5

- Anim na ang kumpirmadong naka-recover sa Bataan at dalangin ng marami na maging ang sanggol ay gumaling din

- Sa ngayon, hindi pa matukoy ang posibilidad kung saan ito nakuha ng sanggol na ngayo'y pinakabatang tinamaan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang sanggol sa Bataan ang nakalulungkot na nakikipaglaban ngayon sa COVID-19.

Kinumpirma ito ng gobernador ng Bataan na si Albert Garcia noong Abril 5.

Sa COVID-19 update niya sa kanyang Facebook page, kasama ang isang buwang gulang na sanggol mula Mariveles sa mga karagdagang kaso nitong Linggo.

Base raw ito sa ulat ng kanilang Provincial Health Office.

Wala pang linaw kung saan nga ba nakuha ng sanggol ang virus.

Siya na ngayon ang pinakabatang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umaasa ang marami na tulad ng naunang sanggol na tinamaan din ng COVID-19 sa Oriental Mindoro ay gagaling din ito sa lalong madaling panahon.

22 na ang mga pasyente sa Bataan na nagpositibo sa COVID-19. Anim na ang naka-recover sa mga ito habang dalawa naman ang naitalang pumanaw.

Samantala, sa pinakahuling datos na binahagi ng Department of Health ngayong Abril 7, umabot na sa 3,764 ang kumpirmadong kaso sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel