Lady guard, nawalan ng trabaho at napalayas sa tinitirahan dahil "nilagnat"

Lady guard, nawalan ng trabaho at napalayas sa tinitirahan dahil "nilagnat"

- Dahil sa pag-aakalang may COVID-19 ang guwardiya, pinaalis agad ito sa tinitirhang bahay

- Lumabas kasi sa thermal scanner ng kanilang apartment na lampas 36 degrees ang body temperature niya

- Agad naman siyang nagpatingin sa Ospital ng Maynila kung saan normal naman ang kanyang temperatura at wala naman siya maski sinat lamang

- Sa kasamaang palad, pinaalis na agad siya sa kanilang tinitirhan dahil sa tamang hinala na tinamaan na ito ng COVID-19

- Natulungan naman siya ng DSWD na makauwi sa Antipolo ngunit dahil sa layo, hindi na siya makakapagtrabaho sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lady guard sa isang supermarket ang napalayas sa kanyang tinitirhang apartment sa pag-aakalang mayroon siyang COVID-19.

Base sa ulat ng GMA News, umuwi ang guard na si Milagros Zabala sa tinitirhang apartment at lumabas sa kanilang thermal scanner na lampas 36 degrees ang body temperature niya.

Dahil dito agad namang nagtungo ng Ospital ng Maynila si Milagros upang makasiguro.

Sa ospital, normal naman ang kanyang temperatura at wala siyang lagnat kaya naman siya ay nakauwi.

Ngunit laking gulat niya na naisilid na malaking supot ang kanyang mga gamit at di na muli siyang pinapasok sa kanilang apartment.

Nalaman ng KAMI na napilitang bumalik ng ospital si Milagros at natulog na lamang sa waiting shed doon.

Natulungan naman siya ng Department of Social Welfare and Development na makauwi sa Antipolo kung nasaan ang kanyang pamilya.

Subalit dahil sa layo, hindi na muli ito makakapasok sa trabaho.

Lady guard, nawalan ng trabaho at napalayas sa tinitirahan dahil "nilagnat"

source: Milagros Zabala
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang ito sa maraming kwento ng diskriminasyon sa mga frontliners ng bansa laban sa COVID-19.

Minsan na itong nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga pahayag kung saan handa siyang depensahan at ipagtanggol ang mga frontliners na nakararanas ng diskriminasyon.

Sa ulat ng Inquirer noong Abril 2, sinabing inatasan ni Pangulong Duterte ang mga pulis na maging mapagmatyag lalo na sa mga papauwing mga health workers at iba pang frontliners upang hindi sila makaranas ng anumang di makataong gawain sa pag-aakalang sila ay carrier na ng COVID-19.

Ayon naman sa Manila Bulletin, handa raw ang Ateneo Human Rights Center at ang Integrated Bar of the Philippines na magbigay ng legal assistance sa mga frontliners na nakakaranas ng diskriminasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple but very important hacks for those who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel