Bella ciao! Health workers, naging ala-Money Heist ang peg dahil sa kakaibang PPE suit

Bella ciao! Health workers, naging ala-Money Heist ang peg dahil sa kakaibang PPE suit

- Naging viral sa social media ang ilang health workers na nag-ala Money Heist dahil sa kanilang PPE hazmat suit

- Isang designer ang gumawa ng pulang PPE suit at nagsuot naman ng Dali mask ang mga frontliners para kumpleto ang costume nila

- Samantala, isang Pinoy din ang nag-trending matapos niyang gamitin ang Money Heist costume habang namimili sa palengke

- Ang Money Heist o La Casa de Papel ay isang sikat na Spanish series na kasalukuyang ipinapalabas sa Netflix

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang ilang health workers dahil sa kanilang kakaibang personal protective equipment (PPE).

Nalaman ng KAMI na ang isang designer mula Iloilo City na si Ram Silva ay gumawa ng PPE hazmat suit na inspired mula sa sikat na Netflix series na Money Heist.

Ayon sa Facebook post ni Silva, ang mga frontline medical workers ng Western Visayas Medical Center ang nag-suot ng kanyang ginawa ng PPE.

“Strike the tent. For the love of NAIROBI,” sabi nito sa kanyang post.

Samantala, ang Dali mask naman na gamit ng mga health workers ay ginamit lamang bilang props.

Maging ang mga netizens ay naaliw sa kakaibang trip ng mga health workers. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post ng Manila Bulletin:

“Amazing strategy make sure the patient is be not be afraid. but i find very creative Congratulation anyway”
“Sana matakot ang corona virus, at gumaling n lahat ng pasyente”
“Wala talagang tatalo sa pakulo ng mga pinoy”
“Bella ciao, coronavirus!”
“Kinaen na ng sistema ng Money Heist”

Kamakailan, naging viral din sa social media ang isang Pinoy matapos magsuot ng Money Heist costume habang namimili ng pagkain sa palengke.

Giit ng Pinoy, ginamit niya ang suit at mask na ito para panglaban kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Money Heist o La Casa de Papel ay isang sikat na Spanish series na kasalukuyang ipinapalabas ngayon sa streaming app na Netflix. Patok na patok ang show na ito sa mga Pinoy kaya ang isa sa mga bagong karakter ng palabas na ito ay pinangalanang "Manila.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel