Di raw botante: Ilang nagugutom na mamamayan, di nabigyan ng ayuda sa barangay

Di raw botante: Ilang nagugutom na mamamayan, di nabigyan ng ayuda sa barangay

- Pumunta na ang ilang mga mamamayan sa isang barangay sa Quezon City upang humingi ng ayuda ngunit hindi sila nabigyan

- Paliwanag ng LGU, hindi raw rehistrado roon ang mga ito kaya naman maski bigas ay hindi sila nabigyan

- Umaasa na lang sila sa mga may mabubuting loob na inaabutan sila ng makakain upang maitawid ang kanilang gutom

- Nilinaw ng tagapagsalita ng IATF na si Sec. Nograles na kasama ang mga taong lansangan sa mga makatatanggap ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 na ayuda mula sa gobyerno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maluha-luhang ikinuwento ng mangangalakal na si Francisco Rivera ang dinaranas nila ngayong hirap dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, sinabi niyang naglakas-loob na siyang lumapit barangay hall sa Quezon City dahil nakararanas na ng matinding gutom ang kanyang pamilya.

Sa kasamaang palad, hindi siya nabigyan dahil hindi raw siya taga-roon at hindi siya rehistradong botante ng lugar.

Labis tuloy siyang nag-aalala lalo na sa mga susunod na mga araw dahil wala na talaga silang makain.

Masuwerte na lamang sila umano kung may daraan na mabubuting loob at sila ay maabutan ng pangtawid gutom nilang mag-anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na pasok ang tulad ni Francisco sa mga dapat na mabigyan mula sa social amelioration program.

Mga sobrang hirap na pamilya, mga trabahador sa informal sector na may maliit lamang na kinikita at ibang masasabing mula sa "low-income families."

Lalo pa ngayon na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang extension ng Luzon lockdown hanggang Abril 30, nararapat lamang na mabigyan na ang mga tulad ni Francisco na nakakaramdam na ng mas higit na paghihirap sa panahon ngayon.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 3,660 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Paola made a special video for KAMI on how to be effective when working from home. Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely. Share your hacks!

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel