COVID-19: Lalaking nagalit sa pasaherong umubo sa loob ng bus, pumanaw

COVID-19: Lalaking nagalit sa pasaherong umubo sa loob ng bus, pumanaw

- Isang linggo mahigit matapos mag-live sa Facebook ang bus driver na si Jason Hargrove dahil sa galit sa isang babaeng umubo sa loob ng bus at walang proteksyon, pumanaw ito dahil sa coronavirus

- Sa naturang video, ilang beses nitong sinabi ang tulad ng pasaherong kanyang binanggit ay walang pakialam sa mga tulad niyang nagta-trabaho ng marangal sa kabila ng isang pandemic

- Kinilala naman ng mayor ng Detroit ang sakripisyo ng mga katulad ni Hargrove at muling nagpaalala sa publiko ukol sa pag-iingat dahil sa virus

- Bagamat hindi alam kung kailan nahawaan ng virus ang nasawing driver, nagsilbi naman itong paalala sa publiko na mas maging maingat laban sa nakamamatay na sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

11 araw matapos mag-live sa Facebook ang bus driver na si Jason Hargrove dahil sa galit sa isa sa kanyang naging pasahero, pumanaw ito dahil sa komplikasyong dala ng coronavirus disease.

Sa naturang video, ilang beses nitong kinondena ang ginawang pag-ubo ng isang babaeng pasahero nang wala man lang proteksyon.

“We’re out here as public workers, doing our job, trying to make an honest living to take care of our families,” anito.

“But for you to get on the bus, and stand on the bus, and cough several times without covering up your mouth, and you know that we’re in the middle of a pandemic, that lets me know that some folks don’t care," dagdag pa nito.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, nasawi ang 50-anyos na si Hargrove nito lamang Miyerkules at naulila ang asawa at anim na anak.

Kinilala naman ng mayor ng Detroit ang sakripisyo ng mga katulad ni Hargrove at muling nagpaalala sa publiko ukol sa pag-iingat dahil sa virus.

“He knew his life was being put in jeopardy — even though he was going to work for the citizens of Detroit every day — by somebody who just didn’t care, somebody who didn’t take this seriously,” sabi ni Mayor Mike Duggan. “And now he’s gone.”

Bagamat hindi alam kung kailan nahawaan ng virus ang nasawing driver, nagsilbi naman ang nangyari rito bilang paalala sa publiko na mas maging maingat laban sa nakamamatay na sakit.

Ayon kay Duggan, nalalagay sa peligro ang mga frontliners dahil sa mga mamamayang nagiging pabaya at lumalabag sa mga habilin ng mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang insidente na rin ang naiulat ukol sa mga frontliners na nalalagay sa peligro ang buhay dahil sa ilang pasaway.

Sa Pilipinas, isa namang driver ng ambulansiya ang bigla na lang binaril ng isang lalaki matapos akalaing naghahatid ito ng mga pasyenteng may COVID-19, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel