Paninda ng lola na naharang sa checkpoint, pinakyaw ng police trainee

Paninda ng lola na naharang sa checkpoint, pinakyaw ng police trainee

- Hindi nag-atubili ang isang police trainee na tulungan ang isang 89-anyos na matandang babae na naharang sa isang checkpoint

- Ayon sa isang social media post, naharang ang lola na nais sanang itinda ang kanyang mga panindang walis

- Nang makita ito ni Police Trainee Raymon Lendio ay binili nito ang lahat ng walis ni lola at inabutan ng face mask

- Bukod dito, binigyan din nito ng pagkain ang matanda tsaka tumawag ng motorcab na masasakyan ng matanda pauwi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang police trainee ang umani ng papuri at paghanga sa mga netizens matapos itong mag-viral sa social media dahil sa kanyang pagamamalasakit sa isang matandang babae.

Ayon sa Facebook post ng PSFTP 02-2019 Misamis Occidental Team Oroquieta, naharang ang isang 89-anyos na lola sa isang quarantine checkpoint sa brgy. Paypayan, Oroquieta City.

Nais daw sanang itinda ng matanda ang kanyang mga panindang walis tingting para may maipangbili ng pagkain at iba pang pangangailangan nito.

Nang makita ito ni Police Trainee Raymon Lendio ay agad nitong binigyan ng upuan ang matanda at bahagyang tinanong.

Dahil dito, napag-alaman ni Lendio na mag-isang namumuhay ang matanda.

Para makatulong, pinakyaw nito ang lahat ng panindang walis ng matandang babae at inabutan pa ito ng face mask.

Bukod dito, binigyan din nito ng pagkain ang matanda tsaka tumawag ng motorcab na masasakyan ng matanda pauwi.

Sa ilang larawang kalakip ng FB post, makikita naman ang ligaya sa mukha ng matandang babae.

Dahil naman sa nasabing post, may ilang netizens ang nais din na tulungan si lola.

Nakatutuwa lang isipin na sa kabila ng sunod-sunod na dagok sa ating bayan, mas nangingibabaw sa marami sa atin ang pagtutulungan at pagdadamayan.

Sa isa pang report ng KAMI, nag-viral din ang tatlong pulis na mabilis na sumaklolo sa isang matanda na naitapon ang kanyang dalang bigas sa gitna ng krisis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang 'di nagpakilalang lalaki ang binayaran ang mga pinamili ng isang frontliner na nakasabay nito sa isang grocery store.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel