COVID-19: Prime Minister ng UK, nasa ICU na matapos lumala ang lagay

COVID-19: Prime Minister ng UK, nasa ICU na matapos lumala ang lagay

- Inilipat na sa intensive care unit ang prime minister ng United Kingdom na si Boris Johnson

- Noong nakaraang linggo lamang nang maiulat na nagpositibo si Johnson sa coronavirus

- Sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay ng mensahe si Johnson para sa publiko

- Sa UK, umabot na sa 51,608 ang positive cases ng COVID-19 at 5,373 na ang namamatay dahil dito habang 135 naman ang naka-recover

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ang prime minister ng United Kingdom na si Boris Johnson matapos lumala ang lagay nito, ayon sa ulat ng BBC News.

Noong nakaraang linggo lamang, naiulat na nagpositibo sa COVID-19 ang 55-anyos na PM.

Kinumpirma naman ito ni Johnson sa pamamagitan ng isang tweet.

"Over the last 24 hours I have developed mild symptoms and tested positive for coronavirus. I am now self-isolating, but I will continue to lead the government's response via video-conference as we fight this virus. Together we will beat this," anito.

Sa isang statement na inilabas, sinabing naka-admit si Johnson sa isang ospital sa London.

"The prime minister has been under the care of doctors at St Thomas' Hospital, in London, after being admitted with persistent symptoms of coronavirus," ayon sa isang statement.

"Over the course of [Monday] afternoon, the condition of the prime minister has worsened and, on the advice of his medical team, he has been moved to the intensive care unit at the hospital," dagdag pa nito.

Sa ulat ng BBC News, sinabing nakatanggap sila ng balita na conscious naman ang PM bagamat lumala ang lagay nito.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay ng mensahe si Johnson para sa publiko.

"Last night, on the advice of my doctor, I went into hospital for some routine tests as I’m still experiencing coronavirus symptoms. I’m in good spirits and keeping in touch with my team, as we work together to fight this virus and keep everyone safe," ayon sa tweet nito nitong Lunes.

Samantala, napag-alaman ng KAMI na umabot na sa 51,608 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa UK, 5,373 na ang namamatay dahil dito habang 135 naman ang naka-recover, base sa pinakahuling update ng Worldmeter.

Sa Pilipinas, mayroon nang 3,660 positive cases hanggang April 6 ayon sa Department of Health. 163 ang namatay habang mayroon namang 73 na naka-recover.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel