Sen. Richard Gordon, naiyak habang nananawagan na magkaisa laban sa COVID-19

Sen. Richard Gordon, naiyak habang nananawagan na magkaisa laban sa COVID-19

- Naging emosyonal si Senator Richard Gordon habang nananawagan siya sa pagkakaisa ng bansa sa pinagdaraanan nating krisis dulot ng COVID-19

- Napaiyak siya habang sinasabing wala na sanang sisihan pang nagaganap sa ngayon bagkus magtulungan na lamang ang bawat isa

- Base raw ito sa kanyang mga karanasan sa lahat ng mga matitinding dagok na pinagdaanan ng bansa mula sa iba't ibang dumaang sakuna hanggang ngayon na hinaharap natin ang isang global pandemic

- Bago niya tapusin ang pananalita, pinalakas pa niya ang loob ng bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Senator Richard Gordon habang siya ay nagsasalita sa COVID-19 crisis forum.

Binahagi ng Duterte Supporters ang video kung saan naluha talaga ang senador habang nananawagan sa pagkakaisa ng bawat Pilipino sa panahon ngayon.

Nakiusap din siyang itigil na ang sisihan bagkus magkaisa ang lahat upang makaisip ng mas maayos na solusyon para sa ikabubuti ng bawat mamayan ng bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bilang chairman din ng Philippine Red Cross, alam daw niya na sa bawat sakuna at suliraning kinaharap ng Pilipinas, ang pagkakaisa nating mga Pilipino ang mabisang paraan upang malampasan ang pagsubok ng maayos.

Nabanggit din niya na bagaman at hindi maiiwasan ang kritisismo, mas dapat na pagtuunan pa rin natin ng pansin ang solusyon dahil marami na mamayang Pilipino ang naghihirap lalo sa kasalukuyang sitwasyon dala ng COVID-19.

Bago niya tapusin ang kanyang pananalita, nagbigay pa ito ng positibong panghahawakan na kaya nating lampasan ang problemang dala ng coronavirus disease 2019 at hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.

Si Senator Richard J. Gordon ay isa ring broadcaster. Kasalukuyan siyang bahagi ng programang Aksyon Solusyon sa News 5 at sa TV show na Duelo: Barilan ng Opinyon sa AksyonTV.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus spread, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About Covid-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel