Isang tigre sa New York Zoo, nag-positibo rin sa COVID-19

Isang tigre sa New York Zoo, nag-positibo rin sa COVID-19

- Isang apat na taong gulang ng tigre sa New York, ang tinamaan din ng COVID-19

- Nagkaroon lamang daw ito ng dry cough na inaasahang gagaling na lamang

- Nagpakita rin ng sintomas ang iba pang mga hayop sa naturang zoo

- Nagsiguro na rin ang namamahala ng Bronx Zoo kaya naman pina-test na rin nila ang tigre kung saan lumabas nga itong 'positive' sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang apat na taong gulang na tigre sa New York ay tinamaan din ng COVID-19.

Ayon sa GMA News, nakilala ang tigre na si "Nadia" mula sa Bronx Zoo na kinakitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019.

Nagkaroon umano ng dry cough si Nadia at inaasahang gagaling din naman ito. Ngunit dahil ang dry cough ay isa sa mga sintomas ng COVID-19, nagdesisyon ang namamahala ng zoo magsagawa ng COVID test kay Nadia.

Maging ang ilan kasi sa mga hayop sa naturang zoo ay kinakitaan ng mga sintomas ng virus ngunit maayos naman silang inaalagaan ng mga beterinaryo roon.

Ayon pa sa CNN, iba ang reaksyon ng katawan ng mga hayop sa coronavirus kaya naman mino-monitor pa rin nila ang mga ito.

Pinaniniwalaang nahawahan si Nadia ng isa sa kanyang mga tagapag-alaga na asymptomatic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, 336,776 ang pinakahuling bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa United States of America ngayong Abril 7 ayon sa New York Times.

Nakapanlulumo na 9,600 na ang pumanaw sa naturang bansa dahil sa nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus spread, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About Covid-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel