PUI na nakuha pang mamalengke, nag-positibo sa COVID-19

PUI na nakuha pang mamalengke, nag-positibo sa COVID-19

- Nakunan ng CCTV ang pamamalengke ng isang patient under investigation o PUI sa Teresa Public Market sa lalawigan ng Rizal

- Marso 23 unang nadala sa ospital ang lalake dahil umano sa labis na pagdumi ngunit pinauwi rin matapos na makuhanan ng swab sample

- Lumabas ang resulta ng test, Abril 2 at lumabas na positibo nga ang lalake sa COVID-19

- Agad na sinundo ito sa kanilang tahanan ngunit, naroon na pala ito sa isang ospital sa kanilang kalapit bayan

- Nag-disinfect agad sa naturang pamilihan at agad na nagsagawa ng contact tracing upang matukoy ang mga nakasalamuha ng lalakeng positibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa CCTV ang pamimili sa palengke ng isang patient under investigation o PUI sa Brgy. Bagumbayan sa Rizal.

Base sa ulat ng GMA News, Marso 23 nang dalhin sa ospital ang lalake dahil sa labis na pagdudumi.

Nakunan ito ng swab sample ngunit pinauwi rin. Abril 2 nang lumabas ang resultang positibo nga ito sa COVID-19.

Dahil dito nangamba ang kanyang mga kabarangay lalo pa at nakuha pa ring lumabas ng lalake na dapat ay mahigpitan na ang naka-quarantine.

Naka-confine na ang COVID-19 patient na ito sa isang ospital sa kalapit bayan ng Teresa.

Ayon sa kapitan ng kanilang barangay na si Chairman Romualdo Coralde, hindi na sana pinalabas ng ospital ang lalake lalo na raw at naghihintay na pala ito sa resulta ng kanyang swab sample.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, humihingi pa rin ng paliwanag ang local government unit ng Teresa, Rizal mula sa barangay kung bakit hindi nila umano naantabayanan ang lagay ng lalake.

May balak ding magreklamo ng LGU laban sa lalake dahil nalagay sa alanganin ang mga nakasalamuha niyang kababayan na malaki ang posibilidad na nahawa na rin sa kanya.

Kasalukuyan nang naka-extreme community quarantine ang bayan ng Teresa.

Sa huling tala ng Department of Health, 3,660 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ngayong Abril 7, 414 ang nadagdag sa mga pasyenteng nagpositibo sa naturang virus. 11 ang binawian ng buhay ngunit may siyam na din namang gumaling.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na ma-extend ng dalawa pang linggo ang Luzon lockdown lalo na at patuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng mga kababayan nating tinamaan ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipinos who have to stay in quarantine in order to stop the coronavirus spread, share how they are dealing with the whole thing. They also have important messages to the healthcare workers and to fellow Filipinos.

Quarantine Stories: How Filipinos Feel About Covid-19 And Staying At Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel