Bagong silang na kambal sa India, pinangalanang 'Covid' at 'Corona'

Bagong silang na kambal sa India, pinangalanang 'Covid' at 'Corona'

- Ipinangalan ang bagong silang na kambal sa India sa pandemic disease na coronavirus 2019

- Ayon sa lumabas na mga ulat, ang kambal na ipinanganak sa kasagsagan ng krisis sa iba't-ibang panig ng mundo ay pinangalanang "Covid" at "Corona"

- Sabi ng mga magulang ng dalawa, nais lang daw nila na mapawi ang takot na nararamdaman dahil sa nakamamatay na virus

- Iniluwal ang dalawa sa gitna ng lockdown na umiiral sa India pero ayon sa ulat, ligtas naman ang nanay at ang kambal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinangalan ang bagong silang na kambal sa India sa pandemic disease na coronavirus 2019.

Sina "Covid" at "Corona" ay ipinanganak sa Doctor Bhim Rao Ambedkar Memorial Hospital, sa Raipur noong Marso 27.

Sabi ng mga magulang ng dalawa na sina Vinay and Preeti Verma, nais lang daw nila na mapawi ang takot na nararamdaman dahil sa nakamamatay na virus.

"We have named them Covid (boy) and Corona (girl) for now," sabi ng ina ng dalawa na si Preeti.

Base sa report ng The New Indian Express, dinala ni Vinay ang nagle-labor na asawa sa ospital sa pamamagitan ng kanyang tricycle.

Nataon kasi ang panganganak ni Preeti sa gitna ng umiiral na lockdown sa India dahil sa banta ng coronavirus.

Naharang pa umano ang mga ito ng mga pulis sa checkpoint ngunit agad ding pinayagang makaalis nang makita ang sitwasyon ng ginang.

"As no vehicular movement was allowed on roads due to the lockdown, we were stopped by police at various places but they let us go after noticing my condition," ani Preeti base sa ulat ng Hindustan Times.

Nanganak ito ilang minuto lamang pagkatapos dumating sa ospital sa pamamagitan ng caesarean section.

"The delivery happened after facing several difficulties and therefore me and my husband wanted to make the day memorable," anito.

Pero ayon sa dalawa, naiisip din naman nilang palitan ng mga pangalan ang kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel