Mayor Isko Moreno, inanunsyo na mamimigay ng pera sa bawat pamilya ng Maynila

Mayor Isko Moreno, inanunsyo na mamimigay ng pera sa bawat pamilya ng Maynila

- Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na ang bawat pamilya sa Maynila ay makakakuha ng tulong pinansyal

- Paliwanag ni Mayor Isko, uunahin nila bigyan ang mga pamilyang wala pang natatanggap na tulong kahit relief goods

- Ang lahat na 568,000 na pamilya sa Maynila ay makakakuha ng P1,000 bago ang Easter Sunday

- Ang pamimigay umano ng tulong ay gagawing house-to-house upang hindi na pipila pa ang mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na ang bawat pamilya sa Maynila ay may makukuhang tulong na pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.

Nalaman ng KAMI na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay gumawa ng City Amelioration Crisis Assistance Fund upang matulungan ang mga nasasakupan nito ngayong may krisis ng COVID-19.

Ayon sa Facebook live video ni Mayor Isko, dahil hindi pa lahat ng pamilya sa Maynila ay nabibigyan ng relief goods, sila ay mamimigay na lang muna ng pera upang makatulong.

Aniya, lahat ng 568,000 na pamilya sa Maynila ay makakatanggap ng P1,000 na tulong mula sa lokal na pamahalaan.

“Bawat isang pamilya, 568,000 families per total of the listed barangays, tatanggap po kayo—kaysa intayin pa niyo ang pagkain na laging nade-delay dahil sa kulang na suplay—ay bibigyan po kayo ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tig-iisang libong piso,” paliwanag ni Mayor Isko.

Sa ulat ng Philippine Star (isinulat ni Kristine Joy Patag), uunahin umano ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng pera ang 544 na mga barangay na hindi pa nabibigyan ng relief goods bago ang Easter Sunday, April 12.

“House-to-house, wala pong pila. Lahat ng itinala ninyo ay dapat n’yong bigyan isa-isa. Sila ay mag-iisyu ng resibo at acknowledgement receipt,” aniya.

Pansamantalang itinigil din muna ang ibang proyekto ng lokal na pamahalaan upang magkaroon ng pondo para sa programang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, noong April 4 ay nasa 156 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Maynila. Ang 25 nga rito ay pumanaw na at ang 14 ay gumaling na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel