Coronavirus: 5-taong gulang na batang PUI, pumanaw noong Sabado

Coronavirus: 5-taong gulang na batang PUI, pumanaw noong Sabado

- Pumanaw ang isang 5-taong gulang na batang babae na itinuturing na PUI o Person Under Investigation sa Albay noong Sabado

- Ayon sa Provincial Health Office chief ng lugar, naadmit ang bata sa BRTTH dahil sa severe flu-like symptoms at hirap na paghinga

- Ngunit wala pang 24 oras ay binawian na ito ng buhay

- Nagsagawa naman ng contact tracing ang mga awtoridad at sinabihan ang pamilya ng bata na sumailalim sa home quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 5-taong gulang na batang babae sa Albay na itinuturing na PUI o Person Under Investigation para sa coronavirus disease ang pumanaw noong Sabado.

Ayon sa Provincial Health Office chief na si Antonio Ludovice, na-admit ang bata sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) dahil sa severe flu-like symptoms at hirap na paghinga, Sabado ng umaga.

"She was brought to BRTTH for difficulty of breathing and serious symptoms but died in less than 24 hours at the hospital," ayon sa opisyal, batay sa ulat ng Inquirer.

Sumailalim pa sa swab test ang bata bago ito namatay ayon kay Ludovice.

Nagsagawa naman ng contact tracing ang mga awtoridad at sinabihan ang pamilya ng bata na sumailalim sa home quarantine.

Samantala, napag-alaman naman na dati nang nagpakonsulta sa Philippine Heart Center sa Maynila ang bata at pumunta roon noong Marso 6 hanggang Marso 8.

Ayon sa ulat, nakatakda sanang operahan ang bata dahil sa congenital heart disease.

Dagdag pa ni Ludovice, nagpakonsulta na rin noong Marso 13 sa BRTTH ang bata dahil sa ubo. Niresetahan lamang ito ng antibiotocs at pinauwi rin.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ng bata noong Linggo.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 152 kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health. Umabot na rin sa 3,246 ang positive cases at mayroon namang 64 na naka-recover.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel