Dahil sa COVID-19: 23-anyos na nurse, pumanaw matapos ang 12 oras niyang shift

Dahil sa COVID-19: 23-anyos na nurse, pumanaw matapos ang 12 oras niyang shift

- Isang 23-anyos na Pinoy nurse sa United Kingdom ang pumanaw matapos ang 12 oras niyang shift

- Masama na ang pakiramdam ng nurse ngunit hindi siya mapauwi dahil kulang ng health workers ang kanilang ospital

- Ayon sa ina ng nurse, nakasuot naman ng PPE o personal protective equipment ang anak ngunit ordinaryong mask lamang ang gamit nito

- Dahil dito, pinaniniwalaang COVID-19 ang ikinamatay nito lalo na at wala namang ibang karamdaman ang nurse bago ito nagkasakit at biglang pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang Pinoy nurse sa United Kingdom na biglaang pumanaw matapos ang 12 oras niyang shift sa ospital.

Ayon sa ulat ng Esquire, nakilala ang nurse na si John Alagos, isang 23-anyos na health worker ng Watford General Hospital.

Nalaman ng KAMI na masama na ang pakiramdam ni John nang araw na iyon ngunit hindi siya basta mapauwi ng ospital dahil kulang umano sila ng tao.

Base sa panayam ng Daily Mail UK sa ina ni John na si Gina Gustilo, sinubukan na niyang pauwiin ang anak nang malaman niyang may nararamdaman na ito.

Sinabi rin ni Gustilo na nakasuot naman ng PPE o personal protective equipment ang kanyang anak ngunit ang alam niya'y ordinaryong mask lamang ang gamit nito.

Dahil dito pinaniniwalaang COVID-19 ang ikinamatay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ng ina, pinaiinom pa niya noon si John ng paracetamol ngunit ilang minuto lamang ang lumipas, wala na itong malay sa kanyang kwarto.

Agad mang nadala sa ospital ang nurse ngunit huli na rin ang lahat.

Nabanggit din ni Gustilo na wala ring ibang karamdaman ang anak na maaring maging dahilan ng biglaang paganaw.

Samantala, mariing itinanggi naman ng Watford General Hospital ang hindi nila pagpapauwi kay John gayong masama na ang pakiramdam nito.

“Our staff are fully briefed on the symptoms of COVID-19 and we would never expect anyone to remain at work if they were showing these symptoms or indeed were unwell in any way. We have always kept our staff updated on the latest PPE guidance to make sure they have the right level of protection. John was very popular and will be missed greatly,” ang bahagi ng pahayag ng naturang ospital.

Pangatlo na si John sa mga health workers sa UK na pumanaw dahil sa COVID-19.

Samantala, ikawalo ang UK sa may pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Mayroon na silang 47,806 na mga nagpositibong pasyente sa COVID-19 base sa huling naitala ng worldometer nitong Linggo, Abril 5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa kabila ng kanilang hirap at sakripisyo sa labang ito kontra COVID-19, sila pa ang nakararanas ng diskriminasyon at pangungutya.

OFW Nurses Share Their Experience Fighting Covid-19 | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel