Pastor sa CDO, arestado matapos mamuno sa kanilang church service

Pastor sa CDO, arestado matapos mamuno sa kanilang church service

- Inaresto ang pastor ng The Word of God Spirit and Life Ministries Inc. sa Cagayan De Oro City matapos magsagawa ng church service

- Nilabag nito ang pinatutupad na social distancing lalo pa at naka-city wide quarantine ang lungsod bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19

- Nasa 500 ang dumalo sa church service ng nasabing simbahan

- Nahaharap ang pastor sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code at Section 9 of R.A. 11332 kaugnay sa di pagsunod sa awtoridad at di pakikiisa sa alituntunin ng kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado si Pastor Alfred Caslam ng The Word of God Spirit and Life Ministries Inc. dahil sa pagsasagawa nito ng church service na lumabag sa social distancing na ipinatupad kaugnay ng pag-iingat ng bansa laban sa COVID-19.

Ayon sa CNN, nasa 500 katao ang dumalo sa pagtitipong pinangunahan ng pastor.

Nalaman ng KAMI na nagdekalara ng city-wide quarantine ang alkalde ng Cagayan De Oro City na si Mayor Oscar Moreno noon pang Marso 19.

Malinaw na nilabag ito ng pastor dahil malaki ang posibilidad na kumalat ang virus sa ganitong klaseng pagtitipon.

Nahaharap si Pastor Caslam sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code dahil sa di pagsunod nito sa awtoridad at Section 9 ng R.A. 11332, sa di pakikiisa nito sa mga alituntunin kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng bawat isa.

Isang buwan hanggang anim na buwan na pagkakakulong ang maaring maging parusa sa sinumang lalabag sa Article 151 of the Revised Penal Code at piyansang di lalagpas sa ₱5,000.

Samantala, ₱20,000 to ₱50,000 at pagkakakulong ng hanggang anim na buwan ang maaring maging kaparusahan ng lalabag sa Section 9 ng R.A. 11332.

Binahagi rin ng CDO Regulatory Compliance Board ang larawan ng aktwal na pagdakip sa pastor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa naunang ulat ng KAMI nitong nakaraang buwan, agad na pansamantalang ipinasara ni Mayor Francis Zamora ang prayer room sa San Juan City kung saan madalas na magtungo ang isang nagpositibo sa COVID-19 sa naturang lungsod.

Sa ganitong uri ng pagtitipon kasi mabilis kumalat ang virus kung saan nasa iisang kwarto lamang ang mga dumalo at wala pang social distancing.

Ngayong nasa enhanced community quarantine pa rin ang Luzon at ilan pang bahagi ng bansa, mahigpit na pinagbabawal ang paglabas ng bahay lalo na ang ganitong klaseng pagsasama-sama dahil lalong hindi maapulahan ang krisis na dulot ng COVID-19 kung patuloy na may gagawa at mamumuno sa ganitong pagtitipon.

Base sa huling ulat ng Department of Health nitong Linggo, Abril 5, umabot na sa 3,246 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa kabila ng kanilang hirap at sakripisyo sa labang ito kontra COVID-19, sila pa ang nakararanas ng diskriminasyon at pangungutya.

OFW Nurses Share Their Experience Fighting COVID-19 | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel