Japan, planong ibigay nang libre ang gamot na Avigan sa mga bansang apektado ng COVID-19

Japan, planong ibigay nang libre ang gamot na Avigan sa mga bansang apektado ng COVID-19

- Plano ng bansang Japan na ibigay nang libre ang anti-flu drug na Avigan

- Ito ay matapos irekomenda ng ilang espesyalista ang nasabing gamot para sa pagsugpo ng COVID-19

- Ang Avigan ay nagamit na sa ilang mga bansa kagaya sa China at ilang eksperto ang nagpatunay sa bisa nito

- Ayon sa Chief Cabinet Secretary ng Japan, umabot sa 30 ang mga bansa ang nagpadala ng request para sa gamot na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binabalak ng Japanese government na ibigay ng libre ang Avigan sa mga bansang apektado ng pandemic na COVID-19. Kasalukuyang sumasailalim sa pagsusuri ang nasabing gamot sa Japam upang maging pangontra sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Ayon sa ulat ng NHK world, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Sugana na umabot na sa 30 mga bansa ang nagpahayag ng interes na makakuha ng supply ng gamot na nagamit na rin ilang doktor sa ilang bansang tinamaan ng COVID-19.

Nauna nang naiulat na nais bumili ng milyon-milyong packs ng Avigan ang pamahalaan ng Germany upang matugunan ang tumataas na kaso sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang mga researchers sa China ang nagsabing effective ang Avigan ayon na rin sa resulta ng kanilang clinical trials sa mga taong tinamaan ng COVID-19.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

POPULAR: Read more Health News here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

KAMI guest celebrity Kris Bernal takes on Tricky question challenge. Find out our guest celebrity's answer to these tricky questions. Click play and try to answer along. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel