Viral Kap na nagsungit sa 1 mamamayan, nasampolan ni idol Raffy

Viral Kap na nagsungit sa 1 mamamayan, nasampolan ni idol Raffy

- Nakarating kay Raffy Tulfo ang tungkol sa viral video kung saan makikita ang pagsusungit ng isang kapitan sa isa sa kanyang mga nasasakupan

- Agad nakausap ni idol Raffy ang uploader ng naturang video sa pamamagitan ng isang online interview

- Ayon dito, hindi naman niya nais na siraan ang kanilang punong-barangay ngunit gusto lamang niyang maiparating sa iba ang kanilang naging sitwasyon

- Sa pamamagitan ng programa ni Tulfo ay nagkaharap ang dalawa at nagkaliwanagan ukol sa isyu ng quarantine pass

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang tungkol sa viral video tampok ang isang kapitan na sinungitan ang isa sa kanyang mga mamamayan.

Kinilala itong si Barangay Chairman Rolando Mayuga ng Brgy. Mamala 2, Purok Tres, Sariaya, Quezon.

Ayon sa uploader na si Rhyan Ray Naval, pumunta sila sa barangay upang manghingi ng quarantine pass dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Inamin nito na sinadya niyang kumuha ng video pero anito ay para lamang sana sa public awareness. Hindi naman daw niya inaasahan na ganoon ang kahahantungan ng kanilang pagpunta roon.

Dagdag pa nito, sumusunod sila sa utos na huwag munang lumabas dahil sa banta ng virus pero kailangan niyang kumuha ng padalang pera at kailangan ng quarantine pass para rito.

Sa naturang video, maririnig si Kap na pasigaw na sinabihan si Naval at sinabing problema nito ang tungkol sa quarantine pass na dapat ay sa kanila mismo manggagaling at hindi na kailangan pang hingin ng mamamayan upang makaiwas sa paglabas ng mga tao dahil sa banta ng coronavirus disease.

Dahil dito, nabatikos ng maraming netizens ang chairman. Pero ayon naman kay Naval, natanggap din nila ang quarantine pass noong araw na iyon mula sa health center at nakakuha na rin ng relief goods.

Sa pamamagitan naman ng programa ni idol Raffy ay nagkaroon ng pagkakataon na magkaharap ang dalawang panig.

Humingi ng paumanhin si Kap kay Naval na tinanggap naman nito at nakiusap na huwag nang husgahan pa ang kanilang punong-barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel