Chinese medical team na tutulong sa Pinas kontra COVID-19, dumating na sa bansa

Chinese medical team na tutulong sa Pinas kontra COVID-19, dumating na sa bansa

- Dumating na sa bansa ang 12 Chinese medical experts na tutulong sa bansa sa laban nito kontra COVID-19

- Kinumpirma ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pamamagitan ng Twitter

- Sila ang mga eksperto na siyang mga frontliners din mula Hubei province na minsan nang naging episentro ng COVID-19 sa China

- Ngayon pa lamang ay lubos na nagpapasalamat na ang pamahalaan ng bansa sa tulong na ito na binigay ng China at inaasahang maisasaayos na ang kondisyon ng bansa laban sa COVID-19 sa tulong ng mga ekspertong dumating

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa bansa na ang 12 medical experts mula China na tutulong sa bansa laban sa COVID-19.

Sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ngayong Linggo, Abril 5, kinumpirma nito ang pagdating ng medical team mula China.

Nalaman ng KAMI na ang team ay mula sa Center for Disease Control and Prevention ng Fujian Province China.

Ayon sa ABS-CBN news, sila rin umano ang mga medical experts na pinadala sa Hubei province na minsan nang naging episentro ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa ulat ng Xinhuanet.com, Marso 24 nang magkaroon ng online meeting ang mga medical experts mula eastern China's Zhejiang Province sa Pilipinas.

Kasama ng mga medical team na dumating sa bansa ang iba pang medical supplies mula sa ilang probinsya ng China tulad ng 30 ventilators, 5,000 protective suits, 300,000 medical masks, 30,000 N95 respirators at 5,000 face shields.

Masasabing napakalaking tulong nito lalo pa at kinukulang na ang ilang mga ospital sa bansa sa mga nabanggit na medical equipments.

Ngayon pa lamang ay labis na nagpapasalamat na ang bansa sa tulong na ito mula China kasama nito ang pag-asang magiging maayos ang sitwasyon ng bansa sa laban nating ito kontra COVID-19.

Sa huling datos na naitala ng Department of Health ngayong Abril 5, umabot na sa 3,246 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sa kabila ng kanilang hirap at sakripisyo sa labang ito kontra COVID-19, sila pa ang nakararanas ng diskriminasyon at pangungutya.

OFW Nurses Share Their Experience Fighting COVID-19 | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel